Nakabukod nga kami pero parang hindi naman
Matagal ng kaming nakabukod na pamilya pero parang hindi ko rin ramdam. Kada may problema kami (which is normal sa mag asawa) e lage nangengeelam family niya. Never ako nag open up sa family ko kasi ayoko mapasama asawa ko sakanila, ayoko pumanget tingin nila hanggat maaari ay sarilinin ko at pag usapan namin dalawa lang. Akala ko natatapos sa pagkakaunawaan ang bawat paguusap namin. Yun pala hindi, sinasabi niya sa family niya na kahit siya naman may kasalanan parang ako parin lumalabas na masama. oo baka naglalabas siya ng saloobin, pero pwede niya naman sabihin saken. Kasi ako lahat sinasabi ko sakanya. Open ako. Hanggang ngayon ayoko mag open sa pamilya ko, kaya dito ko nalang share. Sobra bigat ng loob ko. Ano po ba maipapayo niyo saken. #advicepls #1stimemom