2 Replies

Isipin mo sis if kaya mong ganyan nalang talaga sya hanggang tumanda kayo pareho. Yung ikaw nalang yung aako ng lahat ng responsibilities at sya pa-tamad tamad nalang. May kilala akong ganyan eh, pinabayaan ni girl na hindi nagwowork si guy at maging house husband kaso ang nangyari lumipas na ilang taon ganon pa rin, tambay sa bahay si mister at umaasa sa kita ng asawang babae. Lumalaki yung mga anak ganon yung nakikita nila. Supportive din in-laws nya so dun sya medyo swerte, nababawasan bills nila pero sis I'm telling you napaka tiring ng ganong set-up. Kaya hanggang maaga pa, kausapin mo na syang maigi. Wag na wag mo ito-tolerate kasi baka tumanda nalang syang ganyan. And before you know it, huli na pala lahat.

Ang hirap magpretend. Yung aakto kang ok lahat, masaya lahat, maayos lahat. Ibibuildup mo sya sa kaibigan at kapamilya mo, dahil nga pag hindi mo ginawa un pipintasan sya dahil wala na ngang trabaho, aasta pang superior. Ung akala nila perfect relationship, nun pala gawa gawa mo lang gusto mo paniwalain pati sarili mo pero hirap na hirap ka na kakasalo ng responsibilidad. Kababayad ng bills, kakapagatas. Buti nlng nakaalalay mga magulang nya. Magaling sa ML. Hindi na tumanda. Dati dota. Carefree. Nakakainggit. Pero maalaga naman sa anak at sakin din pero dadating yung time na mapupuno ka. Kasalanan ko din eh. Hay life. Advise naman po jan pls. Palabas lang ng hinanakit

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles