Breastfeeding, ang hirap pala
Ang hirap lalo pag ang kasama mo sa bahay ay MIL mo na never nag breastfeed at si hubby ko naman ay Ofw. Ang hirap pala i-defend ng exclusive BF kasi si MIL pag iiyak si baby at siya ang bantay, bottle agad ang solusyon niya. Napilitan akong mag mixed feed dahil nong bagong panganak ako onti gatas ko at iyak nang iyak si baby. Si MIL din nagpush na mag formula na. Pero ngayon na okay na supply ng gatas ko, ang sakit pag maririnig ko na di daw makontento ang anak ko sa gatas ko kasi umiiyak pa din pag siya na kakarga dahil may gagawin ako o kakain.