PPD?

Ang hirap kapag young mom ka at may gusto kang gawin na ginagawa mo naman talaga dati. Hindi mo na magawa at all. Hindi ka na makapag-art, makapagluto o makapag-ayos ng sarili. No regrets naman syempre kay baby kasi blessing siya, pinakang mahalagang blessing. Ang hirap lang na andon yung pakiramdam na wala kang katuwang. Hindi ka nagkakaroon ng "me time" o oras para sa sarili mo pero yung asawa mo, meron. Nakakapaglaro pa siya ng online games kahit nagsabi ka na na may gagawin ka sana bukod sa pag-aalaga sa anak niyo. Ang hirap. Nakakalungkot lalo kapag wala ka ring masabihang kaibigan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang umuwi sa mga magulang ko kaysa ganitong parang wala akong asawa. Nagkakaroon pa ba kayo ng oras para sa sarili niyo mga momshies? Paano? Huhu.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm 7 months pregnant and unplanned baby namin ng fiancee ko. Nag-aaral pa siya and ako, kakagraduate ko lang ng MS. Career oriented ako and napakarami kong plano and gusto kong gawin pero di ko magawa ngayon kasi preggy ako hehehe. I'm sure marami rin akong di na magagawa pagkapanganak ko unlike before na dalaga ako and to be honest, yun yung reason bat minsan I feel sad. Mahal ko baby ko pero madalas talaga unfair sa part nating mga babae lalo na if yung partner natin di okay. 😂 Pero thankfully, yung fiancee ko nagcocompromise naman. Nandyan din yung family ko to support and help me. Siguro sis mahirap lang talaga sa simula pero tamang time management lang din siguro talaga and compromise ang kailangan. Sana maging open si hubby mo na di lang naman ikaw ang parent, na siya rin ay parent kaya dapat hati kayo sa gawain ganon. If hindi siya open maybe it's best na dun ka nga muna sa parents mo sis.

Magbasa pa