Ano ang mga signs na hindi ideal partner ang kinakasama mo?

Ang hindi ideal na partner para sakin ay yung: (1.) kaya kang pagbuhatan ng kamay, kahit na anong away niyo mag asawa dapat walang mangyayaring sakitan lalo kung lalake ang mananakit kasi ang partner mo ang unang dapat poprotekta sayo hindi ka sasaktan. (2.) Hindi din ideal yung kasama mo na siya sa isang bubong tapos hindi pa alam ang priority niya lalo kung kasama ang byenan (in laws). Okay lang magbigay sa parents niya pero make sure lang dapat na kung may sarili na siyang pamilya ay yun yung priority niya. (3.) Hindi pa siya tapos sa buhay binata/dalaga o yung "immature" pa sa buhay. Kung partner mo na siya at kasama na sa bahay dapat ay focus na niya ang pagbuo ng sarili niyang pamilya hindi yung bumuo na sya ng pamilya pero hindi pa pala siya tapos maglibang sa buhay niya. (4.) Cheater - cheating is a choice, kung pipili ka ng makakasama mo sa buhay mo dapat yung pwede mong pagkatiwalaan, yung walang mangyayaring third party sa relasyon niyo kasi bago pa naman kayo ikasal ay mangangako kayo kay God na kayo lang ang magsasama forever 💗 so dapat hindi cheater kasi wala naman may deserve ng taong ganun 😊 (5.) Hindi din ideal yung hindi marunong makuntento here's my past story share ko lang po: Few years ago, I've been in a long term relationship, sa una naman is okay, but nung tumagal na at umabot ng 2 years don nya na ako niloko, so ang nangyari sakin nun kapag magkakalayo kami hindi ko na maiwan yung phone ko kahit nasa tour kami non sa Ilocos hindi man lang ako lumabas ng bus at nagpa picture non kasi ayaw ko maiwan cellphone ko knowing na mahal ko yung partner ko at ayoko lalampas ang kahit ilang minuto na hindi kami magkatext (toxic di ba?) kasi ang nasa isip ko baka lokohin ako ulit nito, ganun kasi sya kapag nakakakita ng ibang babae nagagandahan pero beyond the limit ichachat pa talaga.. Tumagal na lang kami ng ganun, 3x niya ako niloko so 3x din ako nakipag away sa iba't-ibang babae kahit jowa ko din naman yung nag first move, hanggang sa isang araw iniwan na lang niya ako 😅 Yun yung hindi ideal na partner para sakin, yung kahit ibigay mo ang lahat hindi pa din kuntento, kasi siya yung habambuhay mo makakasama so dapat tanggap ka niya ng buo bago kayo magsama, yun lang. #RedFlags

Ano ang mga signs na hindi ideal partner ang kinakasama mo?
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

❤️❤️