Talking Pet app

Ang dami kong nababasang ganito sa social media mga momsh. Yung gagawin to para matakot yung mga anak nila gumamit ng phone. Hindi kaya masyadong traumatizing naman sa part ng mga bata yun?

Talking Pet app
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iba na talaga panahon ngayon. Kung nadidisiplina ng maayos ang bata, hindi na kailangan gumawa ng ganyan na nakakatrauma sa bata para lang maawat kaka cellphone. Hilig na kasi ng magulang sanayin sa gadgets ngayong di maawat kung ano ano gagawin. Hay nako. 🤦

VIP Member

Kanina lang may nakita akong ganyan sa fb feed ko .ayaw ko gawin sa anak ko.Mali kasi ayaw ko ma trauma anak ko dahil lang sa ganyan.para hindi masanay ang anak sa gadgets wag mong sanayin para walang problema. At para wag gawin ung ganyan para matakot sila

matu trauma po talaga ang baby pag ganyan..mas maganda siguro kausapin nalang or pagsabihan nalang ng maayos ung baby kesa naman ganyan..tatakutin mo pa ng ganyan mamaya mapanaginipan pa niyan. mas mahirap ung ganun..para sa akin lang naman momshie

Hindi din ko agree dto. Sobrang mali na tinatakot mo yung bata lalo na anak mo sa ganitong bagay. Like may mumu may ipis dyan gnun hindi nman dapat.haaays an dami kasing mga kalokohan ng IBANG MAGULANG na hindi nila alam hindi mganda sa anak nila

Di po tama. Napakamaling approach po. Pwede naman kausapin ng maayos and limitahan in very well mannered way wag ganyan. Samin auto off ung phone or limit ang data. After nun di na nagrereklamo ung anak namin kaso kinausap na namin about dun

Di tatakutin baby ko sa ganyan. Nakakausap ko pa naman siya kung hihiramin or enough na pagsecellphone niya. O kaya ilalabas ko siya ng bahay/kwarto tas play nalang siya. Kawawa naman ang bata.

VIP Member

It's a no no. In the first place, kaya na addict yung mga bata sa youtube kasi sinanay sila, dapat parents mismo ang pumigil, pag sabihan or wag pag bigyan, dapat limitahan lang wag sobrahan.

Kainis din yung ibang magulang na ganyan. Proud na proud pa sa fb na ginaganyan nila anak nila. Nasa pagpapalaki naman yun, sinanay masyado sa gadgets. Nung di na maawat ganyan gagawin.

Nakikita ko rin yan sis sa FB. Mas may mga nakakatakot pa talaga kesa dyan, as in nakakatakot. 😭 Ako nga natatakot na pag nakikita ko yan, what more sa mga bata pa di ba.

pinanood ko ung anak kong 4yrs nyan may nagshare kc sa fb tawang tawa ung anak ko nakakatawa daw ung face imbes matakot natawa pa kaloka..pinaulit ulit p panoorin..