Bakit pabalik balik po ang lagnat ng isang bata.
Ang aking anak ay 2 yrs old at nilagnat po sya nung saturday july 1. Natatanggal tapos babalik lagnat nya. Ano po kya dahilan at pwedeng gawin? Nangungumbulsyon po kc sya kapag tumataas lagnat nya kinakabahan po ako. Salamat po sa mga magbabahagi ng mga sagot.
kapag inabot ng 3days ay dinadala na namin sa pedia. para ma-treat ung cause ng lagnat. for proper medication. kapag umiinom ng paracetamol, bababa ang lagnat. pero kapag andun pa rin ang cause ng lagnat, babalik ang lagnat. depende kung ano ang symptoms ni LO like sipon/ubo. kung walang ibang symptoms, better na dalhin sa pedia. ipapa lab test (for uti/dengue ay after 5days pa) ng pedia para malaman anong cause or thru stethoscope (for upper respiratory infection). ung mga nabanggit kong sakit ay based sa experience namin.
Magbasa pa