money issues

Almost 1 month na kami hiwalay ng ex ko at may 12 month old kaming baby. Sabi nya magpapadala lang daw sya ng money kapag may kailangang necessities si baby na para sa kanya ay food, vitamins, diaper, wipes, some clothes and toys, at toiletries lang. So usually ang padala nya monthly ay 500-2000 pesos. Kapag nagaaral na daw anak namin, sya naman daw magpapaaral sa private hanggang college. Pinapagalitan po kasi ako ng tatay ko dapat daw magdemand daw ako ng sustento ng para sa akin hindi lang daw sa bata dahil karapatan ko daw yun. Ang gross na sahod po ni ex ay 23k monthly. Nasstress ako kasi ayoko din kausap ang ex ko tungkol sa pera at mas lalong ayoko din sana idaan ang ganitong usapan sa barangay. Wala po akong hawak ni pisong pera dahil wala pa ko work at di rin makapag-homebased dahil wala din kami internet. Karapatan ko ba talagang hingan ng pera yung ex ko para sa pansarili kong gastos?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kasal po ba kayo? You can demand pag kasal kayo and you can demand more para sa baby nyo di kakasya yang 500-2000 nya sa isang buwan na gastos ni baby.

Kasal or hindi, si baby lang po ang dapat sustentuhan hindi po ikaw kasama, pero dapat based sa sweldo ng ex mo hindi kung magkano lang gusto nya.

VIP Member

Kulang na kulang po ang 500-2000 monthly. Sa diaper pa lang. Mas magastos nga po pag baby pa kesa pag nag aaral na.

Kay baby lang mapupunta ang sustento pero sana magdemand ka ng mas mataas kasi 23k naman pala sweldo nya monthly.

Yes momsh.. nasa batas po iyon.. pwede Kayo lumapit sa Pao para humingi ng payo n pupwede niyo gawin.

5y ago

Pero d k included Kung d Po Kayo kasal.. un Alam ko.. verify mo n lng Po mababasa mo nmn un dun

VIP Member

500-2000? Eh ang diaper nga lang 400 nga yung Huggies. Maliban nalang dun sa ibang brand.

VIP Member

Kung di kayo kasal mumsh, si baby lang talaga ang sagutin niya (sa pagkakaalam ko ha)

Si baby lang po ang susustentuhan ng ex mo mamsh. Di ka po kasali sa sustento 🤗

Super Mum

Mommy mukhang ang baba naman ng bigay ng papa nya eh kulang yan sa needs ni baby.

Si baby lng po ang sustentuhan nya. Pero maliit ang 500-2000 monthly.