Anong age mo bibigyan ang anak mo nang allowance?
Anong age mo bibigyan ang anak mo nang allowance?
Voice your Opinion
kindergarten
1st grade
2nd grade and up

4540 responses

61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

anong age ba dapat? 30pesos baon namin simula elementary walang palya hanggang matapos elementary.. nung highschool 30 pa rin, pero collage 50 na.., kaya kahit lumalaki kami natutunan namin kung paano mag-adjust kahit papaano at di rin kami maluhong magkakapatid.. .. may mga kilala naman ako di sila nabibigyan baon dati pero mas magastos pa sa akin sobra.. maluho.. depende siguro sa deprivation din ng mga magulang na ginawa sa kanila.. kasi kahit di sila mayaman maluho sila.. nakakapagtaka.. opinion ko lang.. siguro mas magandang bigyan tapos wag lakihan un lang hanggang magtapos..

Magbasa pa

yung panganay ko,..grade 7,.. hanggat maari ayoko masanay na humawak cla ng pera maagang edad,.una wala nmn cla pag gagamitan. Pangalawa, kung for savings naman, kahit ako na ang maglaan sa acnt nya. Atleast ngayung may isip na sya, mas madali nya maintindihan ang kahalagahan ng bawat sentimo at kung ano ang kanya lang.😅 and happy naman ako kasi kahit iniiwanan ko ng papel or barya working station ko,..never pinakikialaman not unless kusa syang binigyan.

Magbasa pa

1st grade ko sila binigyan na totally daily allowance talaga nila kasi hindi nila ako kasama sa school. non naman kindergarten sila kasama pa nila ako kaya ako nalang nabili ng gusto nila basta wag lang ang mga junk food.. so ayon yong bunso namin magastos wala laging tira 😅 tapos si kuya naman namin ang tipid lagi nag uuwi ng baon na pera tapos hinuhulog nya sa alkansya nya. nakakatuwa talagang magkaiba ang ugali nila .

Magbasa pa

Maganda din nmn na wag sanayin sa pera ang bata . But the more na alam nia kung gaano ang dapat tipirin ang pera lalo na sa crisis ngaun the more sia matuto humandle . Pamulat natin sa bata kung gaano kahirap kumita ng pera . Turuan naten sila maging realistic sa mga bagay bagay. Turuan mag ipon for her/his future para di sila mahirapan ..

Magbasa pa

habang bata pa tuturuan ko na humawak ng pera, hndi nmn ibg sbhn n bbgyn mo ng allowance is ssnayin mo na cla sa pera. tuturuan mo na sya sa early age pra alm na nya mag ipon at alm nya n kailngan lang bblihin nya over wants.

at the age two tinuturuan cya naming mag ipon kaya ngayon palang may allowance na sya kahit mga tira tirang barya kinokolekta nya. gusto ko sya imulat sa financial literacy at independence.

may allowance na sya pero di nya hinahawakan ang mismong pera. lalo na ngayon quarantine di pa naman kailangan. Binibigyan lang namin ng sariling 'budget' para sa mga gusto nyang bilhin

kindergartin d ibig sabihin allowance na yun gusto ko kc sna kung ddating ang araw n yun turuan q sya n mag ipon pa unti,,..para sa ganon edad marunong n mag ipon kahit papano.

na may savings na agad para pag may kailangan siyang bilhin o expenses may sarili n siyang bujet. i think mai-aapply niya mgmanage financially as he get older.

pag nasa tamang edad na sya na alam na nya mag budget kasi pag medyo bata pa baka naman ubos ubos biyaya at the end ubos na bbgyan ulit