Bigkis

Alin dito sa dalawa yung gamit/ginamit nyo na bigkis kay LO nyo mommies?

Bigkis
55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

We don't use bigkis sa baby namin. As per her pedia kung malaki tyan ng anak mo malaki talaga yan. Nililimit lang daw ng bigkis yung hinangahan ng baby. Air dry lang daw yung pusod, alcoholan wag lagyan bulak iwasan masagi ng diaper or cloth diaper para gumaling agad :)

Ung pedia naman po ni baby sinabihan kami na wag na magbigkis. Patakan lang ng Isopropyl alcohol 70% solution ung bellybutton ni baby 3 times a day para mag dry agad. Nagdry at nag dettach naman naman ng kusa ung left over na umbilical cord after 5 days.

pinagagalitan ako ng nanay ko dahil bakit daw hindi ko binibigkisan ang baby ko babae pa naman daw malaki daw kase ang tyan at hinde sexy paglaki..πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ginagamit ko naman yung bigkis ahaha panlinis ng dila ng baby ko...

5y ago

Sabihib mo sa mommy mo mag ggym naman anak mo pag dalaga na πŸ˜‚

VIP Member

Bawal po ang bigkis. Hindi nakakababa yung dinedede ng baby dahil naiipit yung tyan nila. Kapag dumedede po kasi ang baby, nag eexpand ang tummy nila kaya pag may bigkis isusuka nila yung milk na hindi bumaba sa tummy.

Niregulahan LO ko nung nasa first photo pero hindi rin ko rin po nagamit. As per advise ng pedia, nililinis ko lang pusod niya ng cotton tsaka Isopropyl Alcohol. Mabilis lang natuyo.

Nagbibigkis ako dati sa baby ko.pero nung nkta ng pedia nya inalis nya bgkis d dw po mgnda ksi pding mgkloslos baby at bk dw mpnta sa baga nya ung milk.

Yung pangalawa pic,,, dati nung newborn anak ko binibigkisan ko,,, pero ng pinapacheck up ko ,,, pinatanggal ng doc,,, bawal kce,,, at simula nun d n ko nagbigkis,,,

1st pic binili ko pero di ko din mΓ syado pinagamit. Di na rin naman inaallow ng ospital yan. Nilalagyan lang namin pang harang pag naligo pero pagtapos tanggal ulit

Hindi naman po advisable gumamit ng bigkis.nasayang lang ang bili ko kase ang mother ko may sabi na bumili koπŸ€¦β€β™€οΈ pero hindi ko naman nagamit.

Bawal na po bigkisan ang baby. Pero sa panganay ko pinabigkisan ng pedia kasi naka usli yung pusod nya. After umayos di na rin namin pinag bigkis.