ENDOMETRIOSIS

Alamin ang mga Sintomas ng Endometriosis. Payo ng Kalusugan ng Kababaihan Ang endometriosis ay sakit kung saan tissue o laman sa loob ng iyong uterus (endometrium) ay tumubo sa ibang parte ng katawan sa labas ng uterus. Tuwing rereglahin ka, magiging aktibo ang tissues na ito kahit wala ito sa uterus, kayang pwedeng duguin din ito. Kung walang pupuntahan ang dugo kapag may regla, pwedeng mamaga o masugat ang parte ng katawan na kinalalagyan ng endometriosis at pwedeng magsugat o magpeklat. Ang kadalasang parte ng katawan na may endometriosis ay ang obaryo o ovaries. Ilan sa mga sintomas nito ay pananakit o paghilab ng tiyan o puso at likod tuwing may regla, masakit na pag-ihi o pagdumi lalo na kapag may regla, malakas na pagdudugo sa pwerta tuwing may regla, masakit ang pwerta kapag nakikipagtalik at hirap magbuntis. Kung nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit, pwedeng bumisita sa inyong doktor o gynecologist para matingnan kung may endometriosis ba kayo. Pwedeng magsagawa siya ng pelvic exam at ultrasound upang makumpirma kung may endometriosis ka nga. Huwag mabahala dahil may gamot naman para sa endometriosis, may mga pain killers na pwedeng ibigay kapag sobrang sakit ang tiyan, para naman mawala ang endometriosis may mga hormone pills na pwedeng ibigay para mawala o sa ilang mga kaso, kailangan ng operasyon para matanggal ang endometriosis.

ENDOMETRIOSIS
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

:(