Anti-Rabies Vaccine

Alam mo bang 100% ang fatality rate ng rabies dito sa bansa? Nakakagulat at nakakatakot ano? Nalaman ko lang rin ito nung magkaroon ng webinar last Tuesday sa @theasianparent_ph Facebook page. Ang dami kong natutunan mula sa webinar na ito. Nalaman ko dito na: 🐾100% ang fatality rate ng rabies sa bansa. Ibig sabihin, pagnagka rabies kana, milagro na lang chance mo na gumaling pa. 🐾Ngunit kahit 100% ang fatality nito, 100% din naman na pwede itong maiwasan. 🐾Naapektohan ng covid-19 ang rabies. Mas kumonti ang nabakunahan na hayop at mas kumonti din ang pagpabakuna ng pre at post exposure prophylaxis o mas kilala natin sa anti-rabies. 🐾Nagko-cause ng pamamaga sa utak ang rabies kaya parang nau-ulol ang sinomang tamaan nito. 🐾Magkaka-rabies ka lang kung nakagat ka ng hayop or tao na may rabies din. Kailangan may wound para ito makapasok sa sistema mo at hindi ito airborne. 🐾Mga kabataan ang halos tinatamaan nito, mga edad 15 pababa :'( 🐾May 2 uri ng bakuna dito. Pre exposure prophylaxis ang bakuna na tinuturok kapag hindi ka pa nakagat ng hayop at post exposure prophylaxis naman kapag nakagat kana. 🐾Ang antibodies natin ay nabubuo kung minsa sa loob ng 7-14 days kaya may itinuturok na RABIES IMMUNOGLOBULIN - ito yung nakikita natin na tinuturok sa sugat mismo. 🐾Meron 3 category kapag tayo ay nakagat o nakalmot. Kapag sa ulo na parte kahit pa maliit na kalmot lang iyan, category 3 ka agad. 🐾Mas maigi na ikaw at ang mga alaga mo at lahat ng nasa bahay ninyo ay magpa bakuna laban sa rabies. Proteksyon na sa lahat, mas liliit pa ang gastos ninyo kung sakaling may makagat man. Kaya mga inay, kung meron kayong alagang aso at pusa, sumanguni na sa inyong barangay patungkol sa libreng bakuna para kay bantay at itanong na rin sa inyong pedia ang tungkol sa pre exposure prophylaxis. 🐶🐕🐈 . . . . . . Ps. Screenshots ay kuha mula sa webinar. All credits belong to Doc Dessi Roman, Doc Ging, TAP Team, @sanofi.ph & @vipparentsph #TeamBakuNanay #ProudtoBeaBakuNanay #AllAboutBakuna #VaccinesWorkForAll #healthierphilippines #SanofiActs #Famhealthy #mamadisay #twinmom #momoftwins #momof5 #mommyinfluencer #mommyblogger #momblogger #momfluencer #mommybloggerph

2 Replies

i was bitten by a cat, and binigyan nila ako ng anti rabbies shot and immunoglobulin shot is it natural mamaga yung area na nainject, para akong napilay sumiksik hangga buto yung pammaaga.

Super Mum

Thanks for sharing❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles