I just want to share my Birth Story ❣️

(Alam kopo marami mag Judge sa akin sa ending nito. But its okay) Last November 26, 2019 Straight duty ako sa work ko, btw nag wowork ako sa isang kiosk sa mall. Then dahil ako mag isa di maka alis sa store i choose magpa delivery ng Chowking. Mga bandang 3pm nag start na sumakit ng tummy ko. I don't know kung baket, isip ko napapa poop lang ako. So, nag cr ako ng 3 beses. Unang beses may lumabas ther of 2 wala na pero still masakit paren. Nag praray ako sana maka uwi na kasi masakit nga tummy ko. Pag dating ko sa bahay nag hilamos nako at humiga. That time may ubo ako, nag tataka ako bat may lumalabas na liquid sa ano ko. So isip ko lang dahil sa ubo ko napapa wiwi ako. Naka ilang beses nako palit ng undies and shorts. The whole night. The next day (November 27, 2019) The whole day lang ako naka higa dahil sobrang sakit ng tummy ko. Besides isang beses lang ako kumain. Wala kasi ako gana, ginawa ko nag order ako ng Milktea baka sakali magka gana kaso wala paren ??‍♀️. Pagka gabi di na ako maka tulog sa sobrang saket as NO SLEEP. Btw, patuloy parin yung paglabas ng Liquid sa ano ko. ? Asin sobrang saket na nararamdaman ko the whole night hindi ko alam LABOR napala yon. (And Yes hindi ko alam LABOR na pala yon, to be honest hindi ko alam BUNTIS ako. Opo totoo yung nabasa nyo Hindi ko alam BUNTIS ako.) Pag dating ng madaling araw ( November 28,2019) Around 4-5 am pina check up ako ng kuya ko dahil dikona talaga kaya ang sakit besides wala pako tulog non. Pag dating sa hospital, pina urin test nila ako dahil nga sabi nila baka UTI lang, ang sakit kasi Sa left side ng tummy ko hanga sa lower left side ng likod ko. So nung dumating yung result ang taas daw ng infection ko sa ihi (UTI) at may ingection ako sa dugo dahil sa UTI. Dahil di talaga maalis yung sakit may ininject sila sakin Pain reliever 2 beses,nung unang inject walang nangyari sabi ko sa nurse sa pangalawa mas lalong humilab yung sakit. Around 7:45 am umuwi nakami hindi ako pina admit ng kuya ko dahil wala pakami pera that time. Pag uwi namin sa bahay si mama naman umalis para bumili ng gakot dahil akala nga nila UTI lang. Pag alis ng mama ko, sabi ko gusto kuna matulog dahil wala pnga ako tulog. Pero di ako pinatulog ng saket. And Pabalik balik nako ng Cr kala ko kasi natatae ako kaso wala naman lumalabas tas ire ako ng ire, maya maya nag tataka ako bat may lumabas na something sa ano ko. Pinigilan ko muna at kumuha ako ng salamin tinignan ko kasi natatkot ako baka ano na lumabas dahil sa kaka ire ko. Tas nakita ko parang ulo na may buhok kinabahan ako. Pero hindi ko mapigilan ang pag ire ko. Umupo ako sa sahig ng cr namen umire nanaman ako. Tas laking gulat ko may lumabas na BABY. Gulat na gulat ako kasi hindi ko nga alam na buntis ako naiiyak ako tas kala ko kambal umiire nanaman ako lumabas nayung inunan. Pagka kita ko sa anak ko naiiyak ako sabay sigaw 'Ma.... Ma..... Ma....' dahil wala ako kasama sa bahay ginawa ko ako nag putol ng pusod. Then binalot ko sa twalya yung anak ko. Then pag dating ng mama ko ma sabi ko diba di ako nag memens, kaka push ko kanina may lumabas na baby. Buntis pala ako. Then nataranta mama ko lumabas ng bahay nag sisigaw na tulungan nyo kami nanganak yung may uti. Then ni rush nila kami sa hospital first hospital(private) di kami tinangap. Second hospital tinangap nila kami (public)... After 3-4 days nakala labas na ako. But yung baby ko naiwan. 10 days dapat kasi sya sa hospital dahil ininject sya ng anti tetano which is kailangan 10 days. Dahil dun sa pag putol ko ng pusud nya. Eto po yung baby ko nung pagkapanganak ko ??. Nasa comment box po yung recently nya He is 3 months tomorrow ?? PS: 2.2 lang po sya nung lumabas and Diko po alam ilang months sya noong lumabas po sya. Wala pong may alam. Sa tingin nyo po ilang months sya? Mag tanong lang po kayo sa comment box ??‍♀️

I just want to share my Birth Story ❣️
72 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung 1st hospital dear bakit kayo tinaggihan ng baby mo? Bawal un pwede nyo ireklamo ung hospital na un.

5y ago

Oo parang accident yun once na may nangyari saminsila masisi lalo nadi akodun nanganak

VIP Member

Nagtaka lang din po ako. Di ka po ba nagtaka pate ilang months kang hindi po dinatnan?.. Just asking lang po

5y ago

I am so irregular, as in ilang months ako hindi dinadatnan as in. So hindi na bago saken yon.

Tanga lang ang di alam na buntis sila. Baka in denial ka lang pero alam mo kasi may maglikikot sa tyan mo.

5y ago

Hindi ba sumisipa yung bata?

Nung nagpacheck up kayo (UTI) grabe naman kung di nila nacheck na buntis ka ... hospital na yan ah

Nagtaka lang po ako kung di po ba kayo nakakaramdam ng kicks ni baby 😄

Ako 16 week na si baby sa tyan ko nung nalaman kong buntis ako possible po yan lalo pag irreg ka.

5y ago

Pero ako before na 6 months na di nag karoon nag pa check up ako kasi kung di buntis baka PCOS . Sana nag pa check up ka na sa ob siguro nman may bf ka kaya nabuntis ka . Possible talaga na di mo malalaman na buntis ka kung irrg ka. Mukhang 7-8 months na si baby ee bago mo sya ilabas ee.

Buti po walang nangyaring masama kay baby. Blessing po sya sayo mamsh 😊 ang cute cute nya 😊

Wow! Congrats! Maswerte ka may baby k n ng walang kahirap hirap! Alagaan mo ng mabuti.

ang galing po ng birth story nyo po, at ang cute ni baby malakas po sya.. congrats po..

VIP Member

As in wala? yung kahit pagsakit ng dede wala din? Pintig sa puson? Anyways po congrats.