Worries
Alam ko po mahuhusgahan ako sa ginawa ko ? Need ko lng po ng assurance since nagwoworry ako. In 5months ko i took an abortion pill dahil sa pinepressure ako ng partner ko kasi ayaw niya sa baby ko kahit sapilitan na lng ako nakikipaghiwalay sa kanya. Ilang araw ko ung iniiyak bago ko gawin kasi gustong gusto ko ituloy pero talagang mabait si God kasi nagfail ung gamot. Dahil narin siguro sa unwillingness ko sa gagawin ko di nagsuccess ung paginom ko ng pills. Nakipaghiwalay na talaga ako ng tuluyan sa partner ko kasi kaya niya ako imanipulate. Nagopen ako sa parents ko tungkol sa pregnancy ko para maprotektahan nila ako laban sa partner ko. After 2 weeks nagpacheck up ako at sabi ng doctor makapal daw lining ng uterus ko then maganda din at matibay womb ni baby at the same time madami syang fluid and very healthy si baby. But may worries parin ako na baka magkadefect sya afterwards kasi alam kong may karma ung ginawa ko. ? Currently at my 28th weeks I hope po walang magbago sa check up ko i'm doing my best to make things healthier for my baby girl. Kain ako ng kain ng prutas. Nagtatake ng prescribe vitamins at maraming inom ng tubig at gatas. I am willing to take your bash po sa ginawa ko but i'm seeking here for motivation na okay si baby ko kasi ang hirap na isisi ko araw araw sa sarili ko ung pagtake ko nun. Nagawa ko man tong mistake na to itinatama ko ngaun. Thank you po