Makikipag Hiwalay o Hindi???

Alam ko na walang taong perpekto pero kasi hirap na hirap na kasi kalooban ko, yung tipong napatawad ko na yung pang bababae niya pero hirap makalimot dahil bukod sa may nangyari sa kanila nabuntis niya pa yung babae, nakunan lang daw. Kasal kami and 2 mos akong buntis ngayon isang taon pa lang panganay namin. Ang hirap maging isang ina tinitiis mo para sa Anak mo kahit alam mong di na maaayos. Gusto ko na sana sumuko ang hirap kalaban ng emotion at mentality mo nakakabaliw sobra akong naiistress. Gusto ko na sanang kumalas pero iniisip ko anak ko tama ba tong gagawin ko? Siguro regalo ko na lang sa sarili yung umalis sa sitwasyong di ko deserve nakakaawa lang mga anak ko lalaking walang tatay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag isipan mong mabuti sis. bata kase ang maghihirap pag kulang ng isa ang magulang. pero isipin mo rin yung karapatan mo. at tandaan mo rin na mas mabubuhay ng maayos ang bata sa kanyang mommy kaysa sa daddy. always pray, it helps and it works. GOD BLESS YOUR FAMILY 💝💝