Good evening mga mommies ako lang ba ang nakakaranas ng sobrang tindi na pagsusuka or meron po dito
ako po ngayon ay nasa 7 weeks and 6 days pregnant sana po mayroon kayong maibahagi sa akin

Ako mie, sobrang selan sa pagkain. kahit tubig ayaw, sinusuka ko lang. kailangan may kulay ang iinumin ko. pag may nakain lang ako na hindi gusto ng tyan ko, isusuka ko pa rin. Hilong hilo ako at masakit ang ulo pag di ko nakain ung cravings ko. 11 wks pregnant na ako now, pero ganun pa rin.
mag water therapy ka mhie at kumain ka ng mga prutas like apple, orange, avocado. at wag na wag mo kalimutan ang vitamis mo pati iwas din sa pag pupuyat.😊
same here, nung nag7weeks nako grabe anlala wlang pinipiling oras ung pagsusuka ko, minsan may dugo na rin kakasuka ko, samahan mo pa ng hilo 😭
severe nausea lang po. pero yung pagsusuka hindi naman gaano, unless nakakain ng food na hindi gusto ng sikmura 😅
Hi po. Drink fluids para hindi ma dehydrate if sobrang pagsusuka na talaga better go to the ER