PCOS :( Bilateral
Hi all ako po ay diagnosed ng may pcos so may Diane pill ako currently. Any idea makakahelp sa pcos ko. LDR kasi kami ng asawa ko hoping next year makabuo na kami Nag work out na din ako para mawala to :(

Dati sis ako rin may pcos bilateral din. Nagpaalaga ako sa OB ko. Ako sis di ko pinili magpills kasi mimic lang ang mens dyan. Mas gusto ko na naturally ako nagmemens. ako kasi non halos 1 yr di ako nireregla. Overweight din ako that time. Ang ginawa ko regularly nagggym ako at discipline sa pagkain. nasanay ako non na almost no rice ako. For 2 years pinatake ako ng metformin and folic acid ng ob ko. Tapos follicle monitoring kami nung regular na ko nagmemens, pinatake ako ng clomid para makita if mangingitlog ang ovaries ko. Magastos at nakakadepress sa totoo lang yung mga panahon na yun pero sinikap kong ayusin sarili ko para di masayang ang gamutan. Sundalo rin kasi asawa ko kaya sacrifice din nagresign ako sa work para magkasama kami kasi mahirap LDR mahirap tyempuhan. Awa ni Lord nabiyayaan kami ng anak 2019. at ngayon naman sis sunud-sunod anak namin. π 2019, 2021 and now kabuwanan ko na sa 3rd baby namin. Still may pcos pa rin ako pero isang ovary naman. dasal lang sis. at magtiwala sa timing ni Lord. I pray na soon ibigay ni Lord ang desire ng puso mo na magkababy. ππ
Magbasa pa

