Kamusta kayo with your In-laws?/ Byenan. ?

Ako ! mag 2 months na akong nakapanganak ! At first apo din ang baby ko sa side ng asawa ko. Ang hirap lang kasi pag nagkakasakit yung anak ko ang salita nila parang naka-sisi sakin.dahil ako nagaalaga? Lagi din ako sinisita kesyo bawa ganito bawal.ganiyan ? wala naman problema pero syempre anak ko to haaaay?

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okie naman po kami ng inlaws ko Sobrang swerte ko sa knla kasi nung naglalabor aq sila nag aasikaso sa akin, hanggang sa nanganak aq sila nag aasikaso pati sa haws namin, Mabait po ang inlaws ko Lalo na pati sa anak ko Love na love nila kami

Magbasa pa

Problema ko lang sa MIL ko ay bigla nalang syang tinotopak at hindi namamansin bigla.hindi ko alam kung.may nasabi o.nagawa ba akong mali e naiiyak nalang ako pag ganon pero di ko.nalng pinapakita n apektado ako sa.ginagawa nya

Okay na okay mabait mga in laws ko sakin. Alam mo hayaan mo na wag mo nalang pansinin, alam mo naman sa sarili mo na di mo pinababayaan anak mo susko anak yon sino bang ina ang hahayaan mapahamak ang anak

VIP Member

May ganyan talaga na mil. Kami nga nakabukod na pero tumatawag pa sa hubby ko ung toxic kong byenan na babae para makialam ng buhay namin haha. Pero sa byenan kong lalake wala ako masabi super ok nya.

Not ok hahaha well wala naman akong paki eh basta ako nakikisama ako thats all ... minsan my limit din kasi ang pagiging mabait... kung ayaw nya.wag mo ipilit ganun lang 😆😆😆

Okey naman ang in laws ko. About sa baby nag sa suggest lang sila ng mga pwede at hindi pwedeng gawin. But in the end ako parin nasusunod and wala naman silang bad comment.

Sobrang Okay. Very supportive ang inlaws ko. Though, malayo sila samin ramdam ko pagmamahal nila sakin/samin. Anjan yung papadala sila ng bigas, fruits & veggies. Ganern.

ako nahirapan, oldies pa yung MIL ko so marami sila mga paniniwala na mahirap kontrahin talaga. mas maganda kung nakabukod kayo. hugs mommy

Australian asawa ko, ayaw sakin ng in lawd ko kasi 24 lang ako tapos 40 na asawa ko they think na need ko lang ng pera

Buti nalang ako napaka bait ng mother in law ko .. Sobra sobrang bait 😇 may pinag manahan ung asawa ko sa kabaitan ..