47 Replies
Sa mga katapid naman ng lip ko okay lang. Sakto lang ang samahan, pero sa mom ng lip ko minsan may problema lang. Iba din kase siguro yung ugali nila sa kinalakihan kong pamilya kaya ganun. Then now, gusto niya na maging tipid kami sa gamit ni baby. Na kung pwede hindi bilhin wag na daw kase ganito ganyan din naman. As first time parents, and kaya naman namin mag provide bakit namin titipirin db ? I mean practical kami ng lip ko sa pag bili, pero pag dating sa essentials na gamit ni baby ayaw namin magtipid. Pag nalalaman niya na bumili kami ng gamit ni baby na medyo pricey sinasabi niya na di naman daw kailangan or kesyo okay naman day kahit ganito ganyan nalang. Ako, hindi ko pinapansin kapag nagsasalita siya ng ganun, i mean hindi nlang ako nasagot. Pinapakinggan ko lang siya. Magkaiba sila ng payo ng mom ko, pero syempre mama ko parin yung susundin ko π sa ngayon okay naman kami. Ewan ko nlang kung magkakaroon siya ng problema sa pag aalaga nmin sa baby girl nmin pag labas. Siguro wala din naman siya magagawa kase alam din naman namin ng lip ko na di niya maalagaan yung baby namin dahil busy na siya sa iba niyang apo. βΊ
Ok nman kmi ng inlaws ko..mababait cla.. Ako nman pgdating sa hipag ko madalas d ko iritable ako kz halos ndi nman cla nakaka contribute sa bahay. Kmi ng asawa ko ang malaki ang nagagastos sa bahay e nahihiya narin ako sa asawa ko kz wla nman ako work tpos pati pamilya ng kapatid ko halos pakain na nya..wla nman cnsabi asawa ko kz mabait nman un. Ako nlng ang nahihiya sknia..parehas kz kmi ng kapatid ko na nakatira parin sa parents nmin. Pero malapit na kmi lumipat kz matatapos na equity ng bahay na kinuha namin. Duon ako sa hipag ko naiinis kya mdalas pinaplastik ko nlng at ndi pinapansin minsan..unfair kz sarap buhay nia samin..haha. pero ayoko rin nman magalit kya kinocontrol ko inis ko at kinakausap ko paminsan minsan pg nkikita kong tumutulong sa gwaing bahay.
Rason kung bakit hiwalay na kmi. Mas willing siya unawain lang nanay niya kesa sakin na asawa. Mas ok sknya magbayad ng sang katutak na utang ng nanay at lahat ng hassle ng babaeng yon kesa makisama siya sakin. Ako lagi ang masama at corrupt ang utak. Tangina sana mamatay na lahat ng gagong biyenan na sumira sa relasyonng magasawa! Nanay niya di nya matiis di yakapin pag umiiyak. Ako lalayas na umiiyak di talaga bababa ang pride niya. Nanay ata kelangan niya talaga hindi asawa. Sobrang unfair sana sinabi niya para di nalang ako nagpakasal sknya.
Basta nag-asawa na bumukod na kasi dapat whether mabait or hindi ang mga byenan. Bago magasawa or maganak, dapat settled na ang titirahan nyo ng kayo lang. Either rent or own. Dapat kayo lang pamilya. Hirap sa pinoy palaging makikipisan sa pamilya ng lalake, malaki ang chance magkakaron ng friction pag ganonπ€¦ββοΈπ€¦ββοΈπ€¦ββοΈ pag sarili nyo bahay, you won't care kung mabait or nakakabwiset ang mga byenan nyo kase d kayo don nakatira at d kayo makikisama. Kaya leave and cleave.
Mabait naman pero ang ayoko lang di alam makinig esp sa opinyon ko maybe because I'm a ftm. Tapos pag may nasuggest ako di sya agad panatag pero pag may nakapansin na ok yung nasabi ko or nagawa ko she take the credits. Aastang sya yung may utak nun. Diko alam kung maiinis ako o matatawa. π pero pag sa pakikitungo ok naman kasi mas saken sila kampi over their son. Pag may ibibigay na pera hihilain ako sa kwarto tapos palihim na sasabihin wag ko daw sabihin sa anak nila, pero syempre sasabihin ko pa rin.π
Ok Naman, pero d nawawala yung times na nakikipag talo din ako, mas Alam ko Kung Anu gagawen sa anak ko, minsan ginigiit nya ung mga bawal bawal, martes byernes, bahing, bigkis.. pero dinedma ko lahat.. tinapalan ko sya NG "Sabi NG pedia", doktor Kaya Yun.. tsaka mas may pang intindi ako, Pag doktor nag Sabi sinusunod ko, sila Kasi Hindi ,Kaya yung mga Apo nya SA iba mga tinitirik ang mata.. yung mga lumang paniniwala kc nila dapat Waley na.. Namatayan nga sya NG anak noon kakapabiwala SA pamahiin ehh..tsktsk
Better na ngayon, mas may open communication. Nagkakatampuhan minsan pero naaayos din naman. Wala pang 3 months ung panganay namin nung bumukod kami back in 2016. Never sila napuyat at napagod sa mga anak namin. Weekends lang kami andun sa kanila. Ung first two apo nila eh anak namin. Supportive naman. Talaga lang masalita at matanong. Perfectionist din. Kahit napipikon at naooffend ako eh never ako sumagot. Sobrang respeto sa kanila bilang magulang sila ng asawa ko at pangalawang magulang ko na din.
di kmi okay ng byenan ko, obviously... kasi, sinisiraan nya ako sa lahat ng kakilala nya.. kesyo di marunong, tapos dpat ganto di ganyan... kesyo yun ang ginagawa nung unang panahon at pamahiin echos echos pa... mga ritwal ng mga probinsya.. pero dahil nagtapos ako ng medical course, kinokontra ko sya at nagpapaliwanag nman ako ng maayos... tapos maiinis sya at mababadtrip sya na mas marunong pa raw ako kesa sa kanya at mumurahin pa ko ng wagas sabay itsitsismis sa lahat ng tao na bobo ako π€
Okay naman po kami ng mga in-laws ko. Ang swerte ko nga po saknila e. Hehehe. Sila yung nagpapakita at nagpaparamdam saken ng pagmamahal na hindi ko makuha sa family ko (magkalayo po kasi kami nila mamha ko at ng mga kapatid ko). Pero kahit okay kami ng mga in-laws ko mas pinili ko pa din na dito sa bahay namin ako mag stay, kasi feeling ko mas makakakilos ako ng maayos pag nandito lang ako samin. May pagkamaldita at spoiled bratt din kasi ako, kaya mas okay na dito kami sa bahay namin.
Hello mga momshie! Im back walang load e. Hahaha! Thank you sa mga sumagot. Magkakaiba talaga ng byenan no? minsan un pa sisira sa pamilya mo imbis na sila ang unang yumakap sainyo. Mga byenan ko naman mababait maasikaso . lalo na babae. minsan sila na nabili gatas, Diaper, at tubig kahit sa mga check up at gamot sila minsan nasagot kahit mag abot ako ng pera ayaw.nila!. Wala koasabi pero pag nagkakasakit babyko ayan.na sisihan.na..
Sana halls sis hahaha
Jennifer V Caraecle