1 month postpartum, CS

Ako lng ba ? Mga 2weeks after manganak prang back to normal na ako, nakakapaglinis na ng bahay at alaga kay baby, pero d ako nagbubuhat ng mabigat. Pag may nakakakita skin bkt daw bilis2 ko maglakad or mag galaw baka daw mapano ako, normal ba ako? Ahaha alala ko nga paguwi sa ospital , no choice tlga kundi alagaan baby kahit msakit tahi prang nakakalimutan kong naoperahan ako pag aasikasuhin ko na baby ko. Sbi di naman daw ngayon makikita ung lamig? Baka malamigan ako, di ako sure sa sinasabi nila

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same. haha ako pang 2Days palang sa ospital pa nag bubuhat na ako ng upuan di naman masyado mabigat. sinasabihan nalng ako ng mga kkasamahan ko sa ward at nurses na "Na Cs ka ba talaga? 😅 then dire diretso na yun Until now na 1Month na ako na CS nag hahatid na ako sa School ng Pamangkin ko, nag lalaba, nag lilinis ng bahay, nag aalaga Kay Baby.. wala ng Binder Binder. 😅 kaya sinasabihan ako nh ibang Nanay sa School na mag suot pa din daw kasi delikado bumuka tahii. 😅

Magbasa pa

yes normal mommy mas ok Yun ganyan gumagalaw galaw mas mabilis recovery 🥰 ako din kasi ganyan after 24hrs ko nanganak naglalakad na ko paonti onti kasi na NICU baby ko for 1week kaya kumilos agad ako para mapa direct Breastfeeding si baby ko kahit nasa NICU... ngayon 14mos old na si baby ko at never naman ako nakaramdam ng binat

Magbasa pa

normal lang ako nga pagkadischarge naasikaso ko na lahat ..nakakapaglaba na ko ,nakakapagtinda,nakakahugad ng plato .. nakakalakad ng diretso ...Wala naman problema ..Di rin makirot yung tahi ko ...turning 2mos na sa 18 wala naman akong naramdaman na kung ano ..

VIP Member

Yes normal, a week after ng cs ko. Nakaka pag light work out na, with laba ng damit ni baby. Di ako naniniwala sa binat binat feeling ko pag humiga humiga ako mas tatagal healing process ko since sanay ako sa physical.

2y ago

2weeks lang, since d naman daw ako mapuson at medyo slim lang ako pinayagan na ko ni Ob na wag na suotin pero kung my discomfort daw like parang bubuka sa pakiramdam ko suotin ko daw. Pero d na nya nirequire.

TapFluencer

ako po after two weeks of delivery nakaligo na ng malamig na tubig at literal na back to normal na. nakakabuhat na rin ng may kabigatan, wala naman po akong ibang nararamdaman. feeling ko nga po hindi ako nanganak. 😂

2y ago

same po feeling ko rin prang di ako nanganak, tapos pag may papansin lang sakin dun ako matatakot ba baka hala mabinat ako😭😅

same po. after 2 weeks or 3 weeks oks na ako back to normal. sabi nga nila, parang di ka na CS kase galaw ka ng galaw... kase feeling mo okay ka na so. pero iwas iwas muna sa pagbubuhat :)

Dipende po kasi yun sa katawan,meron yung iba mabilis gumaling meron nman yung iba matagal. Pero I suggest,mas maganda until di ka pa fully healed wag muna magkikilos.

kung normal ka? anu pa kaya ako?abnormal😆😅kasi kblktran mo q tamad aq na kht magaling na ayaw pdn kmlos. kz nga tmad tlaga ako😆

Ako na naligo agad agad pag kauwi galing ospital. Nakapag silong na ng sinampay kinabukasan. (CS din) 😅

its ok to do light chores. ang bubuhatin nio lang na mabigat ay si baby.