Pa Rants lang po 😢😢

Ako lang po ba yung laging nag aalala tuwing sasakay ng sasakyan? Bakit ganun yung ibang tryccle driver (hindi ko po nilalahat) kita naman nila na may isasakay silang buntis. Ang bilis pa magpatakbo at parang walang pake kung may humps/ lubak lubak na daan. Hindi naman po ako nagkulang magsabi na dahan dahan lang po sa pagpapatakbo kase buntis po ako. Parang walang naririnig 😞😢 Dalawang beses na po ako natagtag ng sobra. Kaya biglang sumasakit tyan ko salamat nalang sa diyos at wala akong discharge na kahit ano. Pero nakakaparanoid, Kaya tuloy nadedepress ako kase nag aalala ako para sa baby ko. Natatakot na tuloy ako magpacheck up kung ganito lang naman. 😞

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag sabihan mo lang ng pagsabihan mami, hayaan mo sila pag nagalit. Kung may mangyari sainyo ni baby, sagot ba nya? Magtaray ka ng konti mami hehe may iba kasing trycle driver ganyan e, bingibingihan. Pwede din naman pasama ka kay hubby para sya mismo magsabi sa driver, lalaki sa lalaki ba hehe. Stay safe mami 💖

Magbasa pa