Ako lang ba yung umiiyak kapag kailangan na uminom ng gamot? I'm 13weeks pregnant and currently taking Obimin, Calcumade and Hemarate FA.
Nung hindi pa ako buntis, never ko talaga ginusto ang kahit anong gamot kahit may sakit ako kaya siguro hirap na hirap ako mag adjust ngayon sa dami ng dapat kong inumin.
Kagabi nag breakdown na ako dahil buong araw akong nagsuka at hindi nakakain ng maayos. Halos awayin ko si baby sa tyan ko kasi nahihirapan ako. Pero syempre nung gabi na, todo sorry ako sa kanya.
Nakita ako ng partner ko na umiiyak kaya todo comfort din sya at kausap kay baby na ihelp ako. Swerte ako na hands on sya sa amin. Sana hindi magbago. Haha.
6months pa akong magtitiis uminom ng mga vitamins para sa amin ng baby, iiyak lang pero hindi susuko. Haha!
Any techniques para maiwasan ko na ulit sumuka?
Yuri Saspa