Postpartum Depression
Mga Mamsh, 1 week pa lang akong nakapanganak pero gabi gabi akong umiiyak 😭 kahit sa maliliit lang na bagay. Maski pag alis ng hubby ko, titigan ko lang yung baby ko tapos ngingisi sya naiiyak na ko 😭 simpleng pagpapatugtog ng you are my sunshine. Todo support naman po saken si hubby. Hangga't maaari ginagawa nya lahat para diko maramdaman yun. Pero eto ako ngayon umiiyak nanaman 😞 yung umaagos yung luha bigla bigla. Ang hirap mga Mi 😭😭😭
Momsh, labanan nyo ang depression. Pag nagpakain kayo sa emotion nyo baka magsawa si hubby. May limit lang dn po sila. Tsaka nasa adjustment pa lang naman kayo pero remind ko lang na wag tayong magpakalunod sa PDD. Ako dn nakaramdam ng ganyan pero nilabanan ko kasi naapektuhan yung relasyon naming mag-asawa. Dumating kami sa point pa nga na nakikipaghiwalay ako sakanya dahil parang gusto ko lang kaya I decided na baguhin yung pag iisip ko kasi di talaga normal, di ako yun kaya ngayon mas strong ako ngayon and happy kami ni Hubs 😊 Dumadaan din sila sa PDD Momsh di lang tayong mga Mommy
Magbasa pa