No social life
Hi ako lang ba yung talagang walang makausap. Stay at home mom ako pero nakatira kami ng baby ko sa nanay ko. Ako, nanay ko, kapatid ko, kasambahay at baby ko ang magkakasama sa bahay. Yung asawa ko naman nasa manila nagttrabaho. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, wala akong nakakausap o nakakakwentuhan. Meron man pero sobrang casual lang. Kumain ka na ba? Tulog na ba si baby? Mga ganun lang. Pag gusto ko makipagkwentuhan, parang di sila interesado o iniiba agad usapan. Bakit kaya ganun? Ako ba ang may mali? Friends ko naman online puro busy din kaya feeling ko maiignore din ako :(