Annoying step sister in law

Ako lang ba yung may step sister in law na annoying ? actually hindi lang sya kundi kahit yung mother in law ko. Ganito kasi yan nung nanganak ako dun ako sa kanila dumeretso hindi sa bahay ng parents ko in respect nalang din kasi dun din naman kami nakatira nung buntis ako . Okay lang naman sana kung dun kami eh kaso ang baby ko ang di tlga hiyang sa kanila. Most especially ako.pag dun ako nawawala gatas ko kasi di naman ako.makakain ng maayos doon di kasi sila nag luluto . Di naman sa nag iinarte pero CS kasi ako di halos maka galaw2 lalo nat laging umiiyak si baby don. then yung sister in law ko lagi niyang pinapamukha sakin na di daw kontento si baby ko sa gatas ko ..Wla daw akong gatas tapos naisip niya pa nga na makihingi ng gatas sa iba and nsaktan ako. Kasi wla akong say don. parang di ako nanay ng anak ko sila dpat masusunod. Okay lang naman na sobra silang magmahal sa anak ko pero pano naman ako hanggang sa tumaas blood pressure ko umiyak ako ng umiyak humingi akong tulong sa mama ko sa mga kapatid ko ayon kinuha nila ako. Natakot din kasi husband ko na baka mapano pako. To make the story short pag tintry ko na dun matulog lagi tlgang umiiyak si baby di rin nila mahawakan kasi umiiyak pag sila ang humahawak. di kagaya sa bahay. hiyang na hiyang sya sa mga kapatid ko sa mga pamangkin at sa parents ko. Kahit nga sa daddy niya umiiyak sya di sya mapatahan . Tapos naiinis ako kasi lagi silang .nag chachat sakin na iuwi ko na daw anak ko dun sa kanila. Like hello ? di pa ba obvious sa kanila na kapag nandun kami umiiyak si baby tapos stress na stress ako kasi lagi nilang pinapasa sakin kapag umiiyak. okay lang sila pag di iiyak si baby pero pag umiiyak dpat BF agad kahit di naman gutom yung bata. Nakakainis kasi sakin pa sinisisi sasabihin di daw kontento anak ko sakin. Tapos yung sister in law ko pa laging nagagalit sa kin Lagi niya kong iniirapan eh sila lang naman nagpapaiyak sa anak ko tapos kung maka demand sya na iuwi ko anak ko dun sa kanila ? kakainiiis. Akala nila nilalayo ko anak ko eh hindi naman. dinedny lang tlga nila na ayaw ni baby doon. Kakainis tlga . Hays. plano ko punta punta lang don . So yun . Sorry guys ha. Pero inis na inis na kasi ako eh di ko rin masabihan si hubby kasi ayoko na ma offend sya

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let it go. Ang mahalaga nanjan na kayo sa house ng parents mo. Tell your hubby na firm ba decision mo na mas ok na dun kayo kasi mas naaalagaan kayo parehas ni baby mo. I'm pretty sure napapansin din naman yan ng hubby mo baka hindi lang niya sinasabi sa'yo kasi ayaw niya ng conflict. Pagusapan niyo and compromise siguro like evey Sundays dalaw kayo don then uwi din kayo oara atleast nakikita pa din nila yung baby mo.

Magbasa pa
6y ago

Yun din naman plano ko kaso everytime na nandun kami na bigla2 sasabihin na hindi na.kami.uuwi pa sa amin. Natatakot na nga ako minsan baka di na tlga kami.pauwiin . Kaya sinesenyasan ko na si hubby na.gusto ko ng umuwi.