πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Ako lang ba yung sobrang takot sa magulang lalo na sa tatay/papa? Kahit tinatawag lang ako para utusan, grabe na kabog ng dibdib ko pati nanginginig na ko sa takot. Since elementary kasi ako, walang araw na di ako napagbubuhatan ng kamay. Di ko rin naranasang makipaglaro sa ibang bata kasi mapapagalitan ako. Yung pag matutulog ng tanghali, magagalit siya tapos sisipain ako para gumising. Pag naparami yung luto kong kanin kelangan kong ubusin lahat ng yon, pati yung papanis ng kanin kailangan kong kainin. Yung pag may sulat ng ballpen yung uniform ko, ihahampas niya mukha or sa mata ko. Kailangan kong mahanap agad pinapahanap sa akin ng papa ko kundi, papaluin ako ng hose na may kahoy sa loob. Pag may pasalubong siya galing trabaho, sa kapatid ko lang meron. Usually fried chicken haha, tapos ang gagawin ko hihingiin ko sa kapatid ko yung buto ng pinagkainan niya para yon ang papapakin ko. Haha! Di ako pwedeng umiyak pag pinapagalitan ako kasi mas lalo akong mapagbubuhatan ng kamay. πŸ˜… Minsan pumapasok din ako sa school nun, highschool na ko nun... Di ako ako makaupo sa upuan ko kasi namamaga mula pwetan at hita ko yung mga latay galing sa pagpalo sa akin. Lagi pa kong nakakatanggap ng text galing sa papa ko na puro mura. πŸ˜… At nung may nang-away sa akin ang sabi niya sa akin "bakit maganda kaba para makipag away? ang pangit mo, pangit pa ugalit mo." Pero never ako nagalit sa papa ko. Di ko lang talaga maalis yung takot na nararamdaman ko kapag may naririnig akong sumisigaw. Yung takot ko, andito pa rin e. Yung panliliit sa sarili, lagi kong nararamdaman. Kaya kapag nag aaway kami ng lip ko, natatakot talaga ko na baka pagbuhatan din niya ko ng kamay o baka iwan niya ko kasi masama akong babae. πŸ˜… kaya natatakot din ako na baka di ako maging mabuting ina sa baby ko, kasi wala kong ginawang mabuti noon. 😞

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pasensya na po sa tanong ko, pero na try niyo na po ba magpacheck up? Like psychologically? Kasi nakakatakot po kasi yung ganyan na lumaki ka sa abuse, sa pagkakaintindi ko parang nasasanay ka na lang na ina-abuso ng mga tao sa paligid mo to the point na hindi mo nakikita yung worth mo at kahit wala kang ginagawa feeling mo ikaw parin ang may kasalanan. Or kung may mga pagkakamali ka man, dapat pinang huhugutan mo yun ng life lesson na magagamit mo ngayon, at hindi mo dapat iniisip na kung ano man ang magiging pag kukulang mo ngayon or mangyayari sayo as a mom, ay parusa yun sa mga nagawa mo nuon. Natatakot din ako para sayo kasi baka kapag pinagbuhatan ka ng kamay at iniwan ka or kung ano man ang gawin ng LIP mo sayo, ay baka tanggapin mo na lang, and see it as ikaw ang may kasalanan kaya ginanon ka. Hindi pwede yun, dapat humanap ka ng support group kung hindi mo makuha sa parents mo sa siblings or friends mo sana. Yung mga kakaintindi sayo. May tinatawag din na constructive criticism, mga pamumuna na makakatulong sa growth natin bilang tao, kung yung nga sinasabi ng tao sayo ay mapagkukunan mo ng gabay at makakatulong sayo - pakinggan mo, pero kung hindi, iwanan mo at wag mong intindihin. Hindi porket may pagkukulang tayo bilang anak, kapatid, asawa or ina eh ibig sabihin masama na tayong babae. Hindi, ibig sabihin lang nun tao tayo, at walang perfect na tao. Pagsikapan lang natin gawin yung dapat at tama at the rest ipagkatiwala sa Panginoon. Pakatatag po kayo, at mag tiwala sa kakayahan ng Panginoon at sa sarili ring kakayahan na magiging mabuting anak, kapatid, asawa, ina or tao ka in general.

Magbasa pa
5y ago

Hi po, kung hindi ako nagkakamali may mga nag o-offer naman na free dito sa pilipinas, kung may sobra po kayong data i-search niyo po. Ganon po talaga, syempre po may hangganan po yung mga advices at understanding ng mga kaibigan natin. Kaya po mas maigi na humanap din ng medikal na tulong, opo mapapabayad kayo, pero yun naman po yung purpose kaya binabayaran niyo sila, yung oras nila ginugugol nila sayo, para pakinggan yung mga probs niyo, mabigyan kayo ng advices na makakatulong sainyo. Kailangan din natin inditindihin na yung mga friends natin ay may sarili ring mga probs, hindi na nga natin sila nasusuklian yung time at effort na ibinibigay nila satin, baka mastress pa din natin sila. Kaya mas okay po talaga maghanap ng medikal na tulong. Kung nakalipas na po, iwasan niyo na lang po na magpa apekto sa tuwing maaalala niyo, nasa past na po yun, iwanan na lang sa past, easier said than done, pero ganon talaga kailangan mong turuan ang sarili mo mag move-on, kung hindi mas mahihirap