tips for diet preggy

hello po, ask ko lang po mga mommy kung ano po yung kinakain nyo except sa kanin pag gutom pang iwas nyo para di makakain ng kanin pinagbawalan kasi ako ng midwife ko kasi mabilis daw yung paglaki ni baby sa loob im 35wks and 1day pregnant.. medyo malakas kasi kain ko ngayon lalo na pag kanin..

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap na habulin yan kung 2nd trime mo pa lang makanin ka na. Lumaki na si baby e. Anyways, now para dika lalo mag gain dahil sa kanin, once a day na lang bruch or lunch half rice. Better sa breakfast kung bfast person ka. Replace mo sa kanin root crops (kamote, patatas, or banana or any fruits) or bread (wheat the best) basta avoid kanin lalo masarap ang ulam. Itlog dagdag energy nakakabusog din. Need mo discipline kelangan mabusog ka at masatisfy lalo na fruits and veggies kinain mo. Lakas maka diet nun momsh. And lots of water. Water, water, water kahit palagi naiihi basta tamang intake 🙂

Magbasa pa

Ako din sis pinag didiet ni OB kasi tumaas BP ko kahit 16 weeks palang ako and overweight din kasi talaga ako even before pa. Ang ginagawa ko ang rice ko nalang is 1/4 per meal tapos less salt and sugar. Nag lalakad din kami ni husband pag gabi para kahit papano may exercise ako. Tapos madaming water and fruits or yogurt nalang pag snacks. God bless nommy. Kaya po natin to. ❤️

Magbasa pa

ang hirap hirap mag diet :( pinapagdiet ako. kasi 36 weeks na ko. pero lagi akong gutom. sumasama pakiramdam ko pag nagugutom ako. di ako nasasatisfy pag di kanin. pagtapos pa minsan kumain dapat may tinapay. hays.

Magbasa pa

sa panganay ko po kain ako ng kain lalo na po ung kanin lamig pinag bawalan din ako ng nanay ko kc panganay baka dw mahirapan ako pero sa awa ng diyos di nmn ako nahirapan..at maliit dn ang anak ko..

Green leafy vegetable, potatoes, egg, fruits more an water. 2 days d ako kumain ng rice. Yan lang kinkain ko pero dahil c mister nagloto ng kanin, nakikain rin ako 😂😂😂😂

Ako din 28 weeks sobrang lakas ko kumain ng kanin,pina pa diet ako ng ob ko .Dko alam ano gagawin kasi kahit anong gawin d ako makaiwas😭😭😭😭

VIP Member

sana all pinagdidiet 😭 ako need gain weight kasi nmayat na sa sakit +++ walang gana kumain 😩

Mhirao nga yan 35 wks na.. Mas mgnda wga n magpakakain.. Oatmeal nlng. With milk and fruits

ako din pinag ddiet.ksi mataas protien sa ihi.more veggie dw at fruits sabaw ng buko.

Gawin m Mommy mag lakad lakad k na at mga squat.. 10 squat every evening