Parant po sa pamilya ng asawa ko...

Ako lang ba yung nagtitiis tumira sa pamilya ng asawa kahit ayaw naman. mas gusto ko talaga na sa pamilya ko tumira pero ayaw ng asawa ko at pamilya nya kesyo sila daw gumagastos sa pagbubuntis ko sila nagbabayad ng doctor ko pero sila naman may sabe nun dahil lalaki yung kanila kaya sila gagastos. Naiinis na kase ko sa bahay nila ako nag aayos ng mga damitan nila pati mga kurtina at punda/besheets nila towel tas pag nagulo papaayos nnman saken maski pati pinagtulugan nila saken pa pinapaayos pra daw matagtag ako e naghuhugas naman din ako ng pinggan nagwawalis tumutulong sa paglaba kahit di nmn kasali mga damit ko kase bukod naming nilalaban ng mister ko mga damit ko dahil di nila sinasabay. Ok nga sa kanila kase paggusto mo kumain makakakain ka pero minsan yung ipapakain sayo yung ayaw nila katulad nalang na kinain nila kahapon o kanina tapos sayo papakain para daw di sayang di ko na alam ano mararamdaman ko gustong gusto kong sabihin sa asawa ko na gusto ko ng umuwe samin pero alam kong pag aawayan lang nnman namin takot din kase sya sa pamilya nya. Hindi ko na alam gagawin ko mga momsh kailangan ko pabang mag tiis sa ganun hindi alam ng pamilya ko na ganito sitwasyon ko sa pamilya ng asawa ko hindi ko din alam panu sasabihin sa kanila dahil alam kong magagalit sila dahil pag nasa bahay ako di nila ako pinapagalaw kapag gusto ko lang gumalaw dun lang kase alam nilang mabilis akong mapagod at mahilo. Paadvice naman po mga momsh kung anong dapat kong gawin... 8mos. pregnant na po ako#1stimemom #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nako bat ka magtitiis jan. purki sila nagastus ginagawa ka ng kasambahay haha layasan mo 😄 ako nga simula ng nabuntis hindi ako pinaglalaba ng asawa ko . hindi ako pinagbubuhat ng kong ano ano, ngagalit ren sya pag linis ako ng linis sa bahay. pero nakatira kami sa pinsan nya. hindi naman ganyan turing sakin. kong ako nasa kalagayan mo.. Aalis ako dyan noh..

Magbasa pa
2y ago

Ayaw din nmn ng asawa kong nagkikilos ako yung pamilya nya pag wala sya tsaka ako pinapagawa umaga hanggang gabe kase trabaho nya

dun kanalang po sa family mo kasi mas aalagaan ka nila . mas maganda nasa poder ka ng magulang mo kasi gaya ng sinabe mo hindi kanila pinapagalaw kapag gusto molang . so it means masusunod yung gusto mo kaysa jan sa poder ng asawa mo.

2y ago

Gusto ko talagang umuwe pero ayaw ng asawa ko