Breast Milk / Frustration

Ako lang ba yung mommy na feel ko walang silbi breast ko??every time kasi mag papalatch ako kay baby nagwawala sya and iyak lang ng iyak kasi gutom na sya at di sya makalatch ng ayos kasi nasanay na sya sa baby bottle.. Stress na stress na ko mga momsh iyak nalang ako ng iyak kasi feel ko di ko kayang bigyan ng healthy milk baby ko ??? ang sakit lang sa puso??..gaya ngayon 4am nag try ako magpalatch sa kanya kasi sabi unli latch para lumabas ng ayos ang milk kaso 5days na baby ko nung may lumabas sakin kaya nasanay na sya sa baby bottle.. na ffrustrate na ko..ginawa ko na lahat..malunggay capsule, hot compress, pump every 2-4hrs, ipalatch kay hubby pero hanggang ngayon 16days old na si baby drops lang lumalabas ??? kahit pa mag pump ako ng 30mins-1hr both breast ko wala pang 1/4oz nakukuha ko ??? feel ko wala akong kwentang nanay dahil di ko mabigyan breastmilk baby ko ??? ang sakit lang sa pakiramdam..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momshie..😔 nagwawala baby ko kase konti lang nadedede nya nabibitin sya.. ung 1hr na pagpa pump ko wala man 1oz nkukuha ko.. ang daming brand na ng malunggay supplements ung ininom ko pro ang hina prin ng gatas ko.. ang laki nga ng boobs ko pro ang konti nman ng gatas na lumalabas sakin..☹️

Magbasa pa