Sad

Ako lang ba yung may asawa na ayaw inientertain yung baby sa tummy ko? I mean hindi sa ayaw siguro, pero mas mahaba pa yung time na hawak niya cp niya kesa sa hawakan ang tyan ko para ma-feel ang kick at movement ni baby. Stay-in pa naman siya sa trabaho, and every 2 weeks lang ang uwi at 2 days lang yun pero dipa niya magawang lambingin si baby unless magagalit ako. Feeling ko tuloy single mom din ako, na wala akong kasama sa journey ko ng pagbubuntis. Ilang beses ko ng sinabihan pero walang changes. Hindi ko alam kung sensitive at nag iinarte lang ako. ?

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I told my husband that he needs to talk to the baby para alam ni baby boses nya. Pag-gising namin, maggo-good morning kami kay baby. Pag may moment na nagtatawanan kami, sinasabi din namin kay baby bakit kami natatawa. And before going to bed, sinasabi namin kung anong ginawa namin sa araw na yun.

Magbasa pa

Naramdaman ko rin yan mamsh. Parang walang amor sa baby kasi tutok sa cp. Pero binigyan ko siya ng routine, bago matulog mag goodnight siya kay baby at magsabi siya ng message tapos kiss niya tummy ko. Ayun hanggang nasanay siya. Try mo mamsh, hindi ka nag iinarte, bonding niyo yon with your baby.

VIP Member

Sad naman nun mommy. Buti nalang ang hubby ko may kusa, lagi excited kay baby, kinakausap and kiss nya everyday si baby. Minsan nga pag may kasalanan sya sakin, nagsosorry din sya kay baby, hindi lang sakin. Hehe. Pero malay mo naman po paglabas ni baby dun na lumabas excitement ni hubby mo. 😊

Same tau moms, mas mtagal Pa ung games kesa magcare sa baby at skin, sa cp at tulog nlng ako nagffocus, nwawala na din ako gana sa kanya, 😪 feeling ko mag isa ako, nanjan man sya o wala, btw, okay Lang,paglabas ni baby, sa kanya ko itutuon lahat ng atensyon ko,. At hindi sa asawa

Di Lang po sguro showy , Ganyan din po hubby ko eh , pag pinapahawak ko ung tyan ko prang ayw pero pagfeeling nya tuLog na ko, nararamdam ko ung buong palad nya nakatakip sa tyan ko at nung naglalabor nko sa una kong dalawa at lumabas na nangingiLid pa ang Luha sa sobrang katuwaan ..

VIP Member

Kasi alam mo naman ibang lalaki feeling strong,ayaw ng k'kornihan😅 ganyan din ako sa first baby ko pero nung makita ko na sa ultrasound,nakita ko na totoo pla talagang may baby sa tyan ko,kinausap ko na sya lagi..ganyan cguro ibang lalaki,di pa excited kasi di pa nakikita

VIP Member

Hahaha yung hubby ko siya yung nagpupumilit hawakan tyan ko tapos kinakausap kausap niya din ehh minsan ewan ko ba ayaw ko pahawak saknya. Sguro yung sayo ayaw mabawasan ka astigan ganun kasi lalaki. Medyo korni para saknla yung kausapin ang baby na nasa tyan.

Ako naman nagagalit sya kasi di ko pinapahawak tyan ko dahil nakikiliti ako 😅 pero palagi nya kinikiss pag aalis sya ng bahay at tinatawag nya laging "baby!" kaya kahit papano feeling ko narerecognize ni baby yung boses ng daddy nya.

Ganyan po talaga sila. Pero hindi naman sa ayaw siguro pero minsan lang. Ako kasi pag yung asawa ko na ang hahawak sa tiyan ko kahit malikot si baby, biglang di gagalaw haha pero lagi naman niyang kinikiss at kinakausap minsan.

VIP Member

Ganyan din si LIP before, hindi lang talaga siya showy. Pero nung lumabas na si baby, ayun super hands-on sa pag aalaga. Super sweet niya kay baby 💖. Baka ngayon lang yan sis. Magbabago din yan kapag lumabas na si baby 😊