6 Replies

VIP Member

Hi mommy. Maganda po talaga sa left side nahiga lalo nasa 7th month kana (lalo pag 8th and 9th mabigat na si baby nyan) kase pag nakatihaya po may napipress ka po na major vein/artery and maaapektuhan po ang blood circulation mo pati yung papunta kay baby. Nung buntis ako naglalagay ako ng pillow sa likod ko while I'm lying on my left side para hindi ako mapahiga on my back. Mahirap talaga pumwesto matulog ang buntis ganyan din ako noon, very uncomfortable pero pinipilit ko talaga mahiga sa left side.

ganyan din ako sa una mii, hirap mahiga sa left pero tinitiis ko lang talaga, hanggang sa nasanay na din ako, kapag gusto ko mahiga sa right side mas nahihirapan na ako, kaya bumabalik ako sa left,mas komportable talaga pag sa left side, naglalagay ako unan sa likuran ko, and in between legs, tas may unan din ako na kayakap ..im almost 28 weeks..😊😊

VIP Member

Same , matagal ng sumasakit yung kaliwang balikat ko bago pa ko magbuntis tapos nagkaka stiff neck pa ko sa kaliwang leeg at sumasakit ulo ko. Umiiyak na nga ko sa sakit. Ang hirap pero kailangan kayanin kasi mas maganda raw supply ng dugo pag naka left side lying. konting tiis na lang naman para kay baby 🥲

hi mommy, ganyan din ako..pero ang ginagawa ko is naglalagay ako ng mga unan sa likudan, para mapahiga man ako hindi super flat.. then unan din in between legs.. naglalagay din ako ng mini towel or kumot sa me left side ko na tyan..para nakaelevate ng konti..so far naman effective sya sakin..

VIP Member

Same tayo mommy. Ako naman gusto ko lagi ako sa right mas nakakatulog ako pag sa kanan pero yung asawa ko gigisingin pa ko para lang magleft side.. Konting tiis nalang nmn para sa baby natin.. Kahit nakakangalay dpt sila ang ipriority natin.. ❤️

same, ang hirap matulog sa left side. ang ginagawa ko naglalagay ako ng unan sa bandang likod ko tapos meron din sa hita. di ko magamit yung maternity pillow ko at di kami magkasya sa higaan 😅

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles