Ako lang ba?

Ako lang ba ang grabe ang stretchmarks? ? Sa butt, thigh and boobs meron din. #34w4d

Ako lang ba?
287 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masyadong perfectionist ang mga nagcocomment sa post ni mommy. Oo, hindi normal na sobrang itim ng stretchmarks nya pero hindi to the point na sasabihin nyong "kadiri". Hindi nakakadiri ang pagkakaroon ng stretchmarks kasi nasa genes yan e. May mga babae na maganda yung elasticity ng balat at meron namang mga katulad ng nagpost na masyado tight yung skin kaya kapag nabuntis, parang napupwersa yung skin nila kaya ganyan ang kinakalabasan. Wag kayong judgemental. Kung isa kayo sa mommies na walang stretchmarks, then lucky you. Pero wala tayong karapatan magsabi na hindi nya inaalagaan sarili nya. Hindi nyo alam yung pinagdadaanan ni mommy. Instead of judging, maging supportive po tayo sa journey ng isat isa. Hindi natin ikinaganda ang panglalait. Maging thankful tayong lahat na safe ang pagbubuntis natin. Beauty isn't only found on the outside coz REAL beauty comes from within. Kaya sa nagpost nito, wag mo intindihin ang negative comments. Be proud kasi nakasurvive ka at nakaya mo ang pregnancy mo. Worth it lahat yan! Go lang mommy! 💗

Magbasa pa
VIP Member

Hi Mommy! I had the same! Nakakadiri man sa paningin ng iba, DON'T CARE. :) Nagkaroon ako ng ganyang karaming stretchmarks kahit 'di ko naman kinakamot. As in hindi talaga ako mahilig magkamot. Hindi totoo ung kamot na yon na sinasabi nila kasi bakit ako magkakaron dba? Saka 'di naman lahat ng tao may budget para mamaintain na walang stretchmark eh. We just have to accept na it is part of pregnancy. Don't listen sa mga walang kwentang mommies dito sa app na kung makapanghusga eh akala mo kay gaganda at kay bubuting tao. HAHAHAHA. Mga kanser ng lipunan, 'di man lang iniisip anong mararamdamn mo lalo't buntis ka. Sana lang 'di mangyari sa kanila nangyari sa atin or kung ano mang worst pwedeng mangyari sa kanila s ginagawa nila. If you feel na this app is giving you a sh*t feeling dahil sa mga member, uninstall it, for you and your baby's safety. GOD BLESS you at sa FEELING PERFECT MOMMIES! 😊

Magbasa pa
VIP Member

Mag 8 weeks postpartum tong tummy ko. 32 weeks nung lumabas ung akin pero reddish itsura niya despite sunflower oil and aloe vera. Meron din sa may kilikili ng konti. Ung sa boobs ngayun na lang nung nagbebreastfeed na ako. Naglalagay ako ng morrison ngayun ung nakuha kong rewards. Kaso 1x a day lang kasi toxic pag alaga kay baby, di ko maalagaan sarili ko. If maubos ko na morrison try ko mag bio oil naman, medyo nagfade na yan ng konti.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Medyo nafilter ng phone ko kaya parang naglighten

Hindi naman kasi dahil sa pagkamot kaya nagkakaroon ng stretchmarks. Iba iba ang katawan natin. Kung hindi na kaya iaccommodate ng skin natin ang paglaki ng tyan dun maglalabasan ang stretchmarks. Kahit ano pa pag aalaga kung di na kaya ang paglaki dyan na maglalabasan ang marks. Sobra ako makakamot sa tyan ko pero sa boobs ako nagkaroon ng stretch marks. Ibig sabihin na ba nun naglakbay stretchmarks ko napunta sa dede🙄

Magbasa pa

I started to have my stretch marks when I reached my 37th week (38 weeks na ako to date) . Color-Red siya at sa gitnang part lang. It's okay to have those. Ako, kapag sinasabihan na may stretch marks, so what? Nagkaroon ako ng gano'n dahil sa Buching ko (I called my baby boy "Buching" kasi tabachingchibg daw siya sabi ng OB ko. Hihi). Huwag kang magpapadala sa negative na sinasabi ng iba. Sabi nga nila #notobodyshaming

Magbasa pa

Kelan po nagstart mag appear yung stretchmarks? Accdg sa doctors nasa lahi daw yun eh. Yu mama ko as in walang stretchmarks 4 kaming mga anak nya. Kahit daw nagkakamot sya non di naman nadamage skin nya, naisip ko baka kasi healthy skin ni mama. Kaso ako skin ko dry so baka kahit wala sa genes eh pwede magkaron dahil sa poor hydration. Mga what month po kaya yn nagstart mag appear?

Magbasa pa

Preggy hacks po for iwas stretchmark is kapag gabi tutulog na kayo mamsh tuck in nyo yung tshirt nyo sa shorts nyo po lagi para iwas kamot kahit magkamot kayo sa damit lang hindi tatagos sa skin, then kapag nagising kayo nakita nyo na nawala sa tuck in ang tshirt it means nakamot nyo na ang skin tendency stretchmarks.

Magbasa pa

Madalas pag fit ang katawan or hindi ganun katabaan po nung hindi pa nagbubuntis ang nagkakaron ng maraming stretchmarks during pregnancy. Prone din po yung kulang sa hyrdation. Moisturize ang skin and stay hydrated po ang payo sakin ni OB para kung di man maiwasan, wag na lang lumala ang pagdami ng stretchmarks.

Magbasa pa

31 weeks here. YAN DIN PROB KO HUHUHU GRABEEE. MATABA AKO YES KAYA NORMAL NA SAKIN ANG STRETCHMARK PERO KONTI LANG MERON AKO TAS MALILIIT PA, PERO NGAYON GRABE LUMAGPAS PA SA PUSOD JUSQQQ. MAPA KILI KILI, BOOBS, TIYAN AT LEGS MERON 🤦‍♂️🤣 HAYS HIRAP PAG BUNTIS KA NA TAPOS PALA LAMON KA PA HAHA

Hindi yan sa pgkakamot. Nstretch ang skin kaya ngkastretch marks. Different pregnancy every mom. Kaya wag kayo masyado judgemental sa mga may stretch marks. Kanya kanya yan. Swerte mo lang kung wala ka but its not a thing to brag kase youre not helping others. Dont compare yourselves.