
Masyadong perfectionist ang mga nagcocomment sa post ni mommy. Oo, hindi normal na sobrang itim ng stretchmarks nya pero hindi to the point na sasabihin nyong "kadiri". Hindi nakakadiri ang pagkakaroon ng stretchmarks kasi nasa genes yan e. May mga babae na maganda yung elasticity ng balat at meron namang mga katulad ng nagpost na masyado tight yung skin kaya kapag nabuntis, parang napupwersa yung skin nila kaya ganyan ang kinakalabasan. Wag kayong judgemental. Kung isa kayo sa mommies na walang stretchmarks, then lucky you. Pero wala tayong karapatan magsabi na hindi nya inaalagaan sarili nya. Hindi nyo alam yung pinagdadaanan ni mommy. Instead of judging, maging supportive po tayo sa journey ng isat isa. Hindi natin ikinaganda ang panglalait. Maging thankful tayong lahat na safe ang pagbubuntis natin. Beauty isn't only found on the outside coz REAL beauty comes from within. Kaya sa nagpost nito, wag mo intindihin ang negative comments. Be proud kasi nakasurvive ka at nakaya mo ang pregnancy mo. Worth it lahat yan! Go lang mommy! π
Magbasa pa


