Living With In-laws

Ako lang ba? Ako lang ba ung bigat na bigat na kasama ang biyenan sa isang bubong? Kasi imbes na maalwan kami dahil nga may 13th month eh kabaligtaran ata ang nangyari pamula nung bigla silang umuwi samin. Umuwi sila dito samin dahil manganganak na daw ako kasi para may kasama daw (Yes, kasama lang sa bahay. Ni hindi ko nga mapag iwanan kay baby o tulungan ako sa pag aalaga) at ung usapan ng asawa ko at ng mga kapatid niya para sa budget eh wala naman. Lumipat sila dito samin na walang wala kaming pera bukod sa budget sa panganganak ko pero ang ending ung budget sa panganganak ko naipambili ng pandagdag para pagkain at gamot nila, to think na ung sinisweldo ni hubby kulang pa samin dahil sa dami ng bayarin. Partida sa public hospital ako nanganak pero zero balance kami nung nanganak ako kaya ang ending nangutang ang asawa ko kay MIL na may pera naman pala para mairaos lng ung panganganak ko at mga gamot gamot tapos kelangan namin bayaran agad na originally dapat sa private ako manganganak dahil nakapag loan naman kami pero sa kanila din napunta ung niloan namin dahil nanghihingi ng pandagdag budget ung mga kapatid niya. Ang bigat mga momsh. Imbes na makakapag christmas kami ng maayos eh mukhang sorry, next year na lang ang christmas namin. Di ko naman mai-open to sa asawa ko o masabihan sya na manghingi na ng budget sa mga kapatid niya dahil for sure aawayin na naman niya ko tulad nung pag away niya sakin nung sinabi kong ayaw ko sila pauwiin dito samin dahil sa budget. ???

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tipirin mo sa pagkain. Nako wala sila magagawa e wala kayong budget e. Pag nagreklamo ipakita mo na kulang na kulang na pera nyo sa pagkain palang.

6y ago

Naku momsh. Kahit gustuhin ko sila tipiri, etong asawa ko bili ng bili ng hinihingi ng nanay nya para sa pagkain dahil asawa ko may hawak ng pera ngaun at si MIL ang may hawak ng kusina dahil ayaw nila magkwarto sa taas ng bahay kaya dun sila sa sala nagsstay. 😩😩