Postpartum?

Ako lang ba? 1week palang kami ni baby pero feeling ko pagod na pagod na ako sa kanya. Hindi ako makakilos ng maayos kasi naCS ako. Nakakainis. Iyak nalang ako ng iyak. Hindi ako nakakatulog ng maayos. Nahihiya na nga ako sa Mama ko. Kasi siya ang nag-aasikaso sa anak ko ? tapos yung asawa ko pa takot din hawakan yung anak niya at malambot pa daw. Ang dami pang bawal. Ang daming hindi pwede. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Gusto ko nalang hindi na magising. ☹️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ano ano pong mga bawal? Kasi nung nanganak ako via CS walang bawal sa akin according to my OB. Kinakain at iniinom ko lahat kasi breastfeeding mom din ako. Wag ka mastress momsh, pahinga ka para di ka mabinat. Samantalahin mo na andyan mama mo na makakatulong sayo, isipin mo momsh pag nabinat ka dahil sa stress kawawa naman si baby. Relax lang momsh, take a deep breath lilipas din yan at magiging okay din kayo.

Magbasa pa
4y ago

Minanas po kasi ako ngayon. Parehong paa. Bawal po masabaw ngayon at masobrahan ng water eh ang takaw ko sa tubig. Ang init init pa. Maliit lang po kasi ako sabi ng OB ko baka nalulunod kidney ko kaya yung water bumaba sa paa. May matatanda din po kasi ako kasama bawal maligo. Sa 14 pa po pwede 🤣 halo-halo po nararamdaman eh. Di ko alam. Hahah salamat Momsh! ❤️ gumaan na po pakiramdam ko. 🥰