PARANOID
ako lang b ang first time mom n paranoid im turning 8 months pero kung ano ano naiisip ko s still birth and cord accident .. natatakot lng ako syempre gusto ko ok c baby .. please enlighten me .. thank you
Mommy, naku di lang ikaw ang paranoid. Nung nagbuntis ako sa panganay ko, super praning ako!! Wala na yatang makakatalo sa kapraningan ko, kaya buti nakatiis parin sakin ang husband ko kahit na super paranoid ko. Pero alam mo kung ano lang nakatulong sakin is DASAL lang talaga. Dasal lang ako nang dasal na maging ok ang lahat sa baby ko, at yun nga, awa naman ni God ok anak ko at dinagdagan pa Niya ng isa, ok naman sila pareho kaya sobrang thankful ako kay God pinakinggan niya prayers ko. At hindi totoo lahat ng mga kinatatakutan ko. Basta have faith Mommy, trust God na lahat magiging ok. Basta pray lang talaga. π Tsaka mag relax ka lang kse nafi-feel ni baby lahat ng emotions mo kaya importanteng maging happy ka lagi para maging happy baby siya paglabas niya. God bless you and your baby sis. π
Magbasa paNope, hindi ikaw ang una at huling magiging "praning". Kahit di first baby mappraning ka pa din π Okay lang yan. Pero kung may nakakabahala sayo, idiscuss mo sa doctor mo kasi siya ang bahala sayo at kay baby mo sa panahon na manganganak ka na. May ultrasound ka pa naman uli bago manganak. Wag ka magworry masyado, hindi ito healthy para sayo at kay baby. Pray lagi kay Lord at kakausapin mo lagi si baby. Magiging okay ang lahat π Idivert mo ang isip mo, maging focused ka sa pag-aayos ng mga gagamitin niyo ng bata sa hospital at pagkauwi niyo.
Magbasa paSame here. Super paranoid ako dati nun preggy ako the point na napapa-undertime hubby ko sa super kapraningan ko. πππPalagi ko pinapakiramdaman si baby, and if ilang oras lang siya di kumilos eh kung anu ano na naiisip ko. Tapos lalo lang dumadagdag sa stress ko ung kakagoogle ng kung anu anong negativity regarding sa pregnancy. Pero look I already have this cute baby beside me. Just enjoy your pregnancy... β€
Magbasa paparanoid din ako 1st baby e, minsan naiisip ko din yan , kung ano ano naiisip ko kaya nakukulitan na sguru sakin ob ko ahaha, sa sobrang paranoid ko nga nakabili pa kami ni hubby nang stethoscope then every week ata namen pina pa doppler once diko maramdaman gumalaw , pero sabi nila ok naman daw si baby iwasan nalang mag isip nang kung ano ano, saka pray lang. enjoyin lang pagiging buntis :)
Magbasa paFeeling ko normal talaga lalo satin first time mom. Or kahit sino naman buntis. Ginagawa ko lagi ko kinakausap si baby kahit nasa tummy ko palang, nanonood ako ng mga nakakagood vibes para mawala pag iisip. It helps lalo ang prayers. Minsan pag nakakabasa kasi tayo ng di maganda feeling natin ganun. Kaya ako iniiwasan ko din mag online lagi pag hapon or pagabi nag off nako cp.
Magbasa paYes. Para mabawasan anxieties mo talk to your husband or anyone na makikinig sayo. Minsan kasi kailangan lang ng mga preggy ng someone na magcomfort to ease anxiety. Ako from pagbubuntis to pagkapanganak may anxieties pero yun kinakausap ko lang husband ko nababawasan naman and he helps me prove na lahat ng yun is all in the mind and I'm doing good as a mom. π
Magbasa pai guess normal naman na sumagi sa isip natin yan sis, lalo na first baby natin. kaya nga alaga tayo sa pre-natal checkups eh. inom lahat ng vitamins na need.. pero sa huli, prayers lang din sis. saka tiwala na magiging ok si baby. alisin mo lahat ng nega, and dont stress yourself over something na hindi pa man nangyayari eh iniisip mo na... π
Magbasa paAko din ganyan, lalo na pag may nababasa akong kung ano-ano. Kaya minsan I prefer not to read nlng - ignorance is bliss. Lol. Normal lng naman siguro since 1st time moms tayo. Pray na lang at positive thoughts na lang lagi para di makasama kay baby. Sabi nga ni Rica Peralejo sa post nya, "Exercise faith than fear." :)
Magbasa pa26 weeks pregnant here. Siguro lahat tayong mga mommies excited lang makita si baby kaya kung anoano iniisip natin, lalo na mga katulad kong first time mom. Basta always think positive, kausapin lagi si baby, sundin lahat ng advices ng ob,eat healthy and syempre pray kay God para sa safety nyo mag-ina :)
Magbasa paNatatakot din po ako 8 months na pong Preggy sabi po ng partner ko wag daw pong matakot kasi baby po namin ang ilalabas. Sabi po ng parents ko kausapin daw si baby na maging maayos sya.. Samahan ng exercise or prenatal yoga. Sabi po ng tita ko po manood kung paano umire at wag matakot