Am I the Asshole

AITA kung pagbabawalan ko yung pamangkin ng partner ko na makipaglaro sa anak ko? Yung kapatid kasi ng partner ko is mejo hardcore activist na ultimo ayaw painumin ng vitamins yung anak, let alone painumin ng cough or cold syrups yung anak pag nagkakasakit dahil lang ayaw nya suportahan ang mga kapitalista. Sobrang dalas na may sakit yung bata and given na baby pa yung anak ko, concerned ako na baka mahawa yung baby ko sa pinsan nya. Any thoughts?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi sis, tingin ko eh hindi naman masama na makipaglaro ang pamangkin nyo sa baby nyo. Siguro eh imonitor nyo na lang yung pamangkin nyo kung may sakit bago nyo palapitin kay baby. Better eh ipaliwanag sa bata na maliit pa si baby, madaling mahawa sa mga sakit, kaya mas mabuting magpagaling at magpalakas muna bago ulit makipaglaro kay baby. ☺️ Mas maganda din na kausapin nyo na din yung kapatid ng partner nyo na napapabayaan na niya ang anak niya, kasi nakakaawa naman yung bata kung walang magkecare para sa kanya.

Magbasa pa