Pano pag nahuli nyo asawa nyo sa motel kasama ibang babae?
Any advice po sa mga bagong nagsasama dyan. Buntis po kasi ako 6 months. Nahuli ko asawa ko sa motel. Ano po ba dapat kong gawin? Sobrang stress po ako:’(

"Ayusin para sa pamilya," "wag hayaan masira," sabi nung lalaking nangungulit makipagkita sa ibang babae habang yung girlfriend nya 6months pregnant sa baby nila? 🤔 If there's anyone na sumira sa relasyon nyo, it's him. Kung may gusto syang ayusin sa relasyon nyo, dapat kinausap ka nya, hindi sya dapat makipagmeet sa ibang babae kasi wala namang maitutulong yun sa pag-aayos ng relasyon nyo. Buntis ka pa lang ganyan na sya. Isipin mo maigi mommy kaya mo bang makita yung mukha nya araw araw habambuhay knowing kung anong ginawa nya? Kung anong pwedeng mangyari kung sakaling natuloy ang balak nya? Not only for you and your relationship pero para rin sa health nyo ni baby? Not saying may sakit ang isa sa kanila ha, pero pwede syang makakuha ng STD kung ipinagpatuloy nya yan (pati risk ng Covid), something na possible nyang maipasa sayo and you, in turn, kay baby. Can you trust him again? As in totoong tiwala, hindi yung lagi kang may doubt, laging praning, laging may iniisip everytime may kachat sya or aalis nang di kayo magkasama? You have no obligation to stay in a relationship that blatantly disrespects you and puts you responsible to fix it kahit sya ang nagloko. Isipin mo maigi mommy if that is the life you want for you and your baby.
Magbasa pa

