Pagod lang ba o ppd na?

Advice. Hi I'm 25 F si partner naman is 33 M may dalawa kaming anak year 2022 at 2023 ko sila pinanganak saktong 1 year apart since same sila ng birth month. Simula pinanganak ko yung pangalawa ko madalas ng naging mainitin ang ulo ko. Hindi ko alam kung dala lang ba to ng pagod ko sa araw araw na pag aasikaso ko sa mga anak ko pati sa gawaing bahay. Full time mom ako pero before ako mag ka baby isa akong csr work from home. Pero simula nung na diagnosed as high risk yung pregnancy ko nag immediate resign ako for bedrest. To make the story short after namin manirahan ng partner ko sa side ng parent nya naisipan namin bumukod since sobra narin yung pangingielam ng mother ng partner ko samin sa way lalo ng pag aalaga sa bata. Nasa 70+ narin mother nya. So nung nabuntis na ako sa pangalawa dito na nag start yung anger issue ko lalo pag nagtatalo kami ng partner ko sigawan kami ( not him considering na nagbubuntis na ako sa pangalawa namin anak) basta pag may gusto sya ipag laban ipaglalaban nya hanggang kukulo nalang ng todo yung ulo mo sa inis. Ngayon naka bukod na kami sobrang hirap ng sitwasyon ko dahil bukod sa may toddler ako may baby pa akong mag 8 months old palang simula nanganak ako, ako lahat gumagawa pag aalaga, linis bahay, laba, luto, etc. Ang partner ko never nya ako natulungan physically or emotionally kahit sa pag aalaga nalang ng mga anak namin. Pag uwi nya galing work mag mobile games agad sya, pag wlang ginagawa netflix tas scroll sa fb. Pag nakikita ko syang ganon na susumbatan ko sya pero ang saknya naman daw eh provider naman daw sya. Di ko na alam gagawin ko kase yung inis at galit ko nabubuon ko sa mga anak ko like nasisigawan, napapalo sa tuwing iiyak o may nagagawang mali yung anak ko kahit sa baby ko nang gigil ako sa inis pag tuloy tuloy ang iyak. Dpat na ba ako mag worry sa sitwasyon ko? Pospartum depression parin kaya to? O sadyang baliw lang ako? Ewan ko di ko na alam gagawin may times na gusto ko tumakbo palayo pero iniisip ko lang mga anak ko napapaatras na agad ako. Gusto ko nalang magbigiti na ewan.🥲

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parehas po tayo ng sitwasyon sakin nga lang 1 pa lang baby namin. mahirap mag self diagnosed pero kung iisipin mo hindi sya pangkaraniwan na galit, minsan bigla na lang akong sasabog at iiyak ng todo to the point na nahihirapan nako habilin hinga ko. laban lang tayo mhi may mga anak tayong laging umaasa sa atin ❤️

Magbasa pa