3 mos pregnant

Adik na adik sa laro yung husband ko. And ganon nalang kami buong maghapon may sariling mundo, Ako sa cp siya sa pc. Then one time nasa cr siya so nag pc ako naexit ko yung nilalaro nya, Pagdating nya nagalit siya ng sobra dahil nagpapaboost daw siya. Hindi ko nmn alam nung time na yun, Nagdabog siya so ako tahimik lang kase ayoko makipag awayan ( may times kase na nananakit siya pag galit) so dahil dun natrauma ako. Kaya tumahimik nalang ako. Hanggang sa umalis nalang ako dun, Bumalik siya sa paglalaro nya. Hanggang ngayon di parin kami nagpapansinan.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung LIP ko rin , after work wala ng ibang ginagawa dto sa bhaus kundi ML. Hindi ko sya dinidisturb pag naglalaro sya kasi alam ko yung feeling pag nagalalaro ng ML kasi player din ako 😁 lalo na pag natalo dahil nadisturbo naku ! ikaw sisisihin. Minsan gusto ko yung oras nya saken lang , pero busy sya kakalaro . May sinasabi ako minsan sa kanya di nya naririnig kasi nakatutok sa laro. Di kami pinapansin ni baby , galaw ng galaw c baby sa tummy ko.. Nakakatulog nlang ako kakahintay na lambingin ako. Haysss .. Okay na lang din atleast yun lang pampalipas oras nya. Importante okay kami. Sana paglabas ni baby tulungan nya ko sa pagpupuyat. At iwasan na mag ML.

Magbasa pa