I NEED ADVICE PLEASE.

Hello mga sis, Share ko lang po kase gulong gulo nako. Hindi ko na alam. So 2 years na kami ng bf ko, Last year lang kami nagsama. May history nadin siya ng cheat nung mag bf/gf palang kami nung panahong wala pa kaming baby. Hindi lang isang beses kundi marami. F*ckboy siya dati, Kung sino sino inaano nya lalo na kapag inuman at may kasamang babae. Kahit one night stand go sa kanya. Yun yung mga panahon na single pa siya at wala pako sa buhay nya, Nagbago ang lahat nung nagsama kami. Although may awayan na nagaganap, Tampuhan, Selosan pero hindi parin nawawala yung pakikipagsama nya sa mga tropa nya lalo na kapag inuman. One time nagyaya yung kaibigan nya over night swimming, Dapat isasama nyako pero natutulog ako nung time ba yun. Mga 10pm then nagalit siya kase minsan nlng daw yun, Then naligo siya humingi siya ng 100 sabe bibili lang daw siya ng makakakain almost 2 hours na wala padin siya then nalaman ko nandun sa tropa dumiretso sa swimming. Mga 12 pm nag online siya nakigamit siya sa cp ng tropa nya alam ko kase tinadtad ko siya ng chat nun. Then pinuntahan ko siya, May mga babae at lalaki na nandun. Syempre ako galit na galit, sabe nya " wag kang gagawa ng eskandalo dito " eskandalosa kasi akong babae. War freak kumbaga, Eh kaya lang naman po ako pumunta dun para pauwiin na siya kase anong oras na din po nun mag uumaga na. Pinipilit ko siyang umuwi ayaw nya hanggang dumating sa point na " pag di ka tumigil malilintikan ka sakin " then ayun hinampas nyako ng tsinelas. Tas ako hindi ko na napigilan yung galit ko. Pinahiya ko siya, Then hindi na siya nakapag pigil hinampas nya ako ulit sa harapan ng mga tropa nya, Kinalmot ko siya then eto na nga nag aawatan mga tropa nya kase nagbubugbugan na kami. Ayaw nya magpatigil sinuntok nyako sa mukha natumba ako, Madulas pa nmn yun. Di ako umiyak kahit naiiyak nako, Ilang beses nyakong sinuntok nun. Lumabas kami dun kami nag away, Sabi nya " Umuwi na tayo! Bugbog ka sa bahay mamaya pagdating natin tanginamo ka ah " then yun ayoko umuwi hinihila nyako sumakay sa tricycle. Ayoko, Then ayun na nga sinuntok nya ulit ako sa Mukha tumalsik na naman ako, yun yung super sakit na suntok na nagawa nya sakin. Hanggang ngayon di ko padin nakakalimutan yun. Hindi ko din sinasabe kela mama yun, pero natrauma ako don. Lumipas ang ilang oras na puro away kami dun sa swimming ng tropa nya, Then sabe ng tropa nya " suyuin mo na kase pre babae yan eh dapat di mo sinasaktan " and then ayun pumunta kami sa isang sulok. Hanggang nagsorry siya, Na ichachat naman nyako para papuntahin dun bakit inaway ko pa siya. Almost 2 hours nyako pinagantay bakit 12 pm pa siya magchachat? And hindi nmn nya talagako chinat nun kase gamit ko fb nya nun nung time na yun tinitignan ko kung online siya baka kase nasa comshop lang. Then ang unang chinat nya is yung tropa nya " Pre bakit wala ka dito? " yun ang chinat nyang una kesa sakin. Dahil martir ako at mahal na mahal ko siya pinatawad ko, Dumaan ang mga ilang araw nagbago siya. Nambubugbog na siya, Nagdadabog kapag nagagalit. Dumating sa time na sinisira na nya mga gamit na binili ko sa kanya " Sisirain ko talaga to tangina mo para hiwalayan monako " yun lagi sinasabe nya. Ilang months ganon yung sitwasyon namin, AWAYAN, BUGBUGAN,BATUHAN,HIWALAYAN then ending ganon padin. Then etong mga july this year 2019 nalaman kong pregnant ako, Sabe ko ipalaglag natin dahil ayoko pa hindi pako handa sabe nya " WAG " ipaalam ko nalang daw kay mama na buntis ako kung di ako tanggapin okay lang daw kase kaya naman namin mabuhay magisa. Then tinanong ko ulit siya sabe ko " Ipalaglag nalang natin kaya? Sa tingin mo? " then sabe nya " Ikaw bahala! " pero hindi ko pinalaglag, Then dun siya onti onti nagbabago. Hindi na nyako nasasaktan physical, lagi nalang siya sa computer nya busy. May sarili kaming mundo, Ako sa cellphone siya naman sa computer. Wala kaming bonding sa isa't isa. Hindi nadin siya nasama sa mga inuman basta lagi nalang siya sa computer nya. Hindi nmn siya natulong sa gawaing bahay kahit buntis nako, Dati kase ako sa hugasan, Linis ng bahay, Paglalaba siya kakain lang at hihiga. Until now ganon parin, Kapag nagugutom ako wala siyang ginagawang paraan busy siya sa nilalaro nya. Hahayaan nyang mamatay ako sa gutom kase busog naman siya. Ngayon nalaman ko na may Second account siya, Ginagamit nya daw yun sa laro nya kapag nakikipag transact/palitan yun ang sabe nya hindi ko alam kase wala naman akong pake sa nilalaro nya. Yung main account nya alam ko pero minsan nalang siya mag open, And magkasama naman kami kaya komportable ak o. Mga sis hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung dapat kobang alamin yung dummy account nya na yun or wag na.. Ngayon ko lang po kase nalaman yung tungkol sa dummy account nya dahil nanghihingi siya ng mga fb ko na mga olds na mga jejemon days. Sabe ko " anong gagawin mo para san ba? " ilang araw nya na kase akong kinukulit dyan. Then sabe nya ipang tatrade nya daw sa points na nilalaro nya so bale 1 fb = 300 points. Then binuksan ko fb nya yung main account then wala naman ako nakita na kausap nya na tungkol sa laro nya or dun sa fb na magpapalitan tas sabe ko " Wala ka naman ka chat ah? " then di siya umimik. Ngayon po ay kinakabahan ako, Hindi ko na ngapo alam kung tama papo yung ginagawa ko kasama siya... Alam nadin po nila mama na buntis ako, And ang gusto po nila ay kausapin ang bf ko. Pero ayaw ng bf ko makipag usap sa kanila dahil may bad background po kami dati sa family ko nung mga panahon na ayaw ng mama ko sa kanya at nakuha pa ni mama na ipabrgy siya para hindi na kami magkita. Pero ngayon tanggap na siya, pero siya di kopo alam kung nahihiya kela mama..

86 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

first of all pareho kayo may mali be matured enough!! ako isip bata talaga, selosa pero kapag umiinom si hubby nagpaalam sya sabi niya minsan lang naman syempre pianpayagan ko atleast nagpaalam diba? kasi kapag hindi mo pinayagan lalo yan maiinis sayo samahan mo nalang sana total niyaya ka naman, next yan pinaka panget sa babae yung nageeskandalo, ako never nageskandalo kapag umabot ng 12 si hubby tinatawag ko na sya, ang sabi niya" wait lang mahal ubusin lang namin" syempre kahit isip bata ako hinahabaan ko pasensya ko para hindi kami magaway sabi ko" sige wait nalang kita" dun lang ako sa tabi niya mas iniisip ko kasi baka sumuka sya or aakyat sa hagdan namin baka mahulog hindi ko sya pinpagalitan kapag lasing na kasi natutulog na sya kapag tapos n tlga sila, pinupusan ko p sya, pagkagising niya "thank you and i love you" is enough yan palagi niya sinsabi sa akin.. kapag may pupuntahan sila ng tropa nia go lang ako basta alam ko kung saan baka kac mangyari d maganda kapakanan at kasiyahan niya palagi iniisip ko, ngayong buntis ako alagang alaga sya sa 5 years relationship namin ni isang mura, kahit inis na inis sya never sya naglit sakin,never kami nagaway, kapag nagtatampo ako wala p isng minuto bati na kami, sabi nga give and take kung gusto mo tlga maayus relationship niyo. isipin mo kasiyahan niya para maisip niya rin kung anu kasiyahan mo. kung preho kayu mahilig s eskandlo, preho kayu mapride, pareho kau isip bata wala mangyyri sa relasyon niyo, dapat habaan niyo pasensya niyo nagmahal kau ng isip bata eh, isipbata k rin edi nganga , 17 years old akonnaging kami aminin ko selosa ako super pero ung pagiiskandalo never ko ginwa kinakausp ko sya ng maayus ng walang way kasi kung magusap kau at idaan nio s init ng ulo wala yan mangyyri s buhay niyo, ang pagseselos may limit. kung mrunong k umintindi.

Magbasa pa
4y ago

parang ganun na nga sis..

Ako po kahit maingay bungaga ko minsan sinusuntok ko sa balikat bf ko pag subrang galit na ko pero never niya kong sinaktan physical 😭 minsan nga nagsisisi ako sa mga ginagawa ko sakanya. And sa dummy account na yan na huli ko din bf ko na may dummy account dati kasi nakita ko naka log in sa browser ng cp niya nakalimutan sgurong e log out di pa ko buntis nun dati and ako nag tatrabaho sa BPO yung schedule ko 2am hanggang 12pm na minsan 12pm-10am and medyo nawawalan ako ng time sakanya busy sa trabaho pag uwi kain lang ako tas tulog na agad pagka gising duty ulit live in na kami nun dati. Pero nung nahuli ko siya pinaka ayaw ko yung nag sisinungaling at may tinatago sakin. Panay iyak niya kasi gusto ko siyang hiwalayan pero nang hingi siya ng tawad nagawa lang daw niya yun kasi nga nawawalan na daw ako ng time sakanya kaya nag hahanap siya ng pampalipas ng oras and yung dummy account nag wawave siya sa mga babae pero wala pa naman conversations na palitan chat. Pinilit ko pinaintindi sakanya na nag tatrabaho ako para maka tulong ako sa pag aaral niya para may pang travel kami mahilig kasi kami sa travel2 and para may pambili kmi sa kung ano man gusto namin. And ayun na taohan iyak ng iyak nang hihingi ng sorry na bigyan ng chance binigyan ko naman and hanggang ngayon di na naulit kasi alam kong mahal na mahal niya ko at ang baby naming dinadala ko ngayon 21weeks and 4days preggy nako. And ako sayo momsh alamin mo yung dummy account niya kasi minsan yung instinct natin tama din.

Magbasa pa

once a cheater always a cheater.. alang matinong lalaki ang pbayaan ang mg.ina nya nagugutom.. dpat cla pa ung mlawak ang panguunawa dahil may bitbit taung baby sa tiyan.. kaht buntis ka o hndi ala cla right na saktan nla tau lalo nat ilang beses, oo andun na tau sa point na war freak o npapahiya natin cla, (pro aminin halos tau dto ngagawa natin yan, wag lng mgmalinis!) dahil lng din sa mga ksalanan nla at naiipon na din tau kya lumalabas ung pagiging nagger natin! ive been there sa stwasyon mo, pro gnawa q umuwi aq sa amin at nkipghwalay.. sa una msakit dko mtanggap pro hbang tumatagal narealize q buti nlng pla ngawa q un kc kng hndi, dko mkilala ung taong hnahnap q tlga.. tatlong beses aq sumubok gang sa may taong nkakaintndi at minahal aq.. at ung tao na un dko nransanang mg away kami ng sobra.. oo inaamin q maldita tlga aq selosa pa, pro dko ngagawa un ngaun kc mismo partner q ala akng nkikitang kelangan q mgmaldita at pgselosan kc xa mismo gumagawa ng way na dko mramdaman un.. nsa lalaki tlga un mommy na kng bkit tau ngkakagnyan.. kya aq pa sau, kaht uso pa martir wag kang maging isa sa knila..

Magbasa pa

Based on what I've read na mga responses mo, kahit anong sabihin sayo ng tao hindi ka makikinig. Jinujustify mo kasi ginawa mo na pag eskandalo and you are also romantacizing your obviously toxic relationship by staying after ng ginawa niya sayo. 1. Given na napahiya mo siya pero hindi tama na pag buhatan ka ng kamay 2. Given na nainis ka at hindi nakapagtimpi but retaliation will not resolve anything. Lumala lang situation. 3. Pinagbuhatan ka na ng kamay in the past pero mas concern mo dummy account niya. Tanga lang. 4. Parang sasaktan ka ulit (nabasa ko na response mo) why stay? Pinapahamak mo Sarili mo and magiging anak mo diyan sa walang kwenta na lalake na yan. And lastly, hindi porket siya nakauna sayo eh mag stay ka na. This is not the 1700's. Mas marami pang worth it diyan. P. S. Baguhin mo din pagiging eskandalosa mo. Hindi nakakatulong yan at hindi makakatulong sa future endeavors mo lalo na't magkaka-anak ka. Good luck.

Magbasa pa
4y ago

I 100% agree on this.

minsan nuh sasabihin ng babae na sila lagi nasasaktan pero alam mo ang totoo? tau nananakit sa sarili natin kc hindi tau marunong pumili ng partner porket mahal natin go na kahit na sinasaktan ka physically,emotionally and everything ang tunay na pagmamahal ng isang lalaki never papasok sa isip nyang saktan ka emotionally at physically at the same time he will support you. di ko pinaghinayangang i break ung 7yrs na relationship ko sa bf ko noon dahil cheater sya naisip ko hindi ito ung lalaking pangarap ko makasama kahit engineer na sya may masasabi na sa buhay. Pero sobrang swerte ko lang sa asawa ko ngaun na kahit hindi sya ganun kayaman tinuring nya akong prinsesa pinakasalan at may anak na kami ngaun at hanggang ngaun prinsesa parin turing nya sakin pag tinitignan ko syang tulog sa gabi naiisip ko hindi man kami mayaman sa material na bagay sa ngaun pero pra akong tumama sa lotto nung napangasawa ko ung mister ko ngauon.😊 nasa choice lang talaga yan.

Magbasa pa

Hello di naman tayo pariparihas ng sitwasyon pero ang alam ko lang at turo ng magulang ko. Respituhin daw yong asawa at hayaan ang mga bagay na hindi masyado importante huh.. pano kaya yon. ! Yon pala yong mga isip bata na style nila minsan or minsan baka tayo yon hahaha. Focus ka nlng mommy lalo may parating kang angel, lambingin mo nlng pag may pagawa ka sa kanya. Most specially pray. First time din ako magiging mommy asawa ko di malambing pero ndadala sa akin. Pag mukhang mainit ang ulo nilalambing ko at pinapatawa yon nawawala. Minsan parang gusto rin nating magalit pag makarinig tayo ng di magandang slita galing sa asawa natin, sakin hindi ko sya pinaptulan baka pagod lang kasi kaya niyayakap ko nlng ayon nakonsensya at bigay sakin kung ano hilingin ko. Marupok sila kaya sabayan natin yan. Pray lang tayo

Magbasa pa
VIP Member

Dq na tnapos istorya mo😂 Sa akin lang may mali sya may mali ka din Yan kc hirap stin pag ngkapamilya na tayo lalo tayo nghihigpit ndi natin pinaiiral pagiging maintindihin natin sa ibang tao.. Andun na tau na f*** boy sya pero lahat ng tao natuto , ngsasawa , at ngbabago ndi mo lng kc hinintay lalo na may baby na kayo.. May mali ka din kc sa pagiging iskandalosa mo Kahit cnong lalaki papatulan ka kapag ganyan ka.. Kung d muna pla kaya bgyan mo ng chance na mghiwalay kayo.. Dba nga may kasabhan kapag mahal ka nga at mhlga ka sa knya babalikan ka nyan.. Be matured iba na panahon ngyon at mga babae fighter na ngyon kaya ng mamuhay ng magisa kaya ng lumaban ng magisa .. Kung puro away at wala ng pupuntahan bat kapa mgtyatyaga.. Isipin mo anak mo future nya at ndi asawa mo😊👍🏻

Magbasa pa
VIP Member

Halika sis, iuntog kita sa pader!!! 😂 Baka sakali matauhan ka!!! 😂 Pag natauhan ka na baka magpa party pa kami ng ibang mommies dito for you!!! 😂😂😂 Yung taong ang alam ay saktan ka lang, hindi sya worth it. Wag mong isipin na wala na magmamahal sayo, may family ka pa na totoong nagmamahal sayo, sa inyo ni baby. Yung ganong klase ng lalaki, ang tawag dun tarantado! Tama ang sabi ng iba, napaka toxic nyang tao and hindi na healthy relationship nyo. Ngayon palang mag isip isip ka na kung talaga bang may future kayo ni baby skanya. Pray ka lang kay God, itatama nya ang pag iisip mo at bibigyan ka ng lakas para harapin lahat ng trials mo. God bless mommy! 🙏 Think 3000x! 😊 Stress mo kami e! 😂😂

Magbasa pa

Your relationship is not healthy. The fact na nagsasakitan kayo, nagmumurahan, thats already a sign that you don't have respect for each other. Ganyan ba ang gusto mong relasyon at pamilya? Ganyan ba ang gusto mong makita ng anak mo? Iwasan ang pagiging selosa masyado sis. Ang lalaki ayaw ng sinasakal. You have to control your emotions. Hindi palaging galit ang pinapairal sa isang relasyon. I pray that you will find the answer para dyan sa tanong mo. Kung sa tingin mo, pagmumulan lang din ng away yang pagpilit mo sa paghingi ng dummy account nya, wag mo na ituloy. Hindi lang kapakanan mo ngayon ang dapat mong isipin. May baby na sa tyan mo. Sya ang dapat pagtuunan mo ng pansin.

Magbasa pa

kami ng hubby ko mag-13 yrs na pero never pa dumapo kamay nya sakin and never ko pa sya pinahiya. One time nung bago pa lang kami, nasigawan ko sya and narinig ng lola ko. Pinagsabihan ako ng lola ko na wag na wag ko daw gagawin yun lalo na kung maraming tao. Kaya until now pag nag-aaway kami...hindi naririnig ng iba, kami lang ang nakakaalam. Minsan pag galit na galit na ako, sya tahimik lang. Kahit anong sabihin ko, never nya akong pinatulan. Lesson learned ate, wag na wag mong ipapahiya and sasagasaan ego ng boyfriend or asawa mo sa harap ng maraming tao. Bigyan din natin sila ng "me time" nila paminsan minsan.

Magbasa pa