Malaking achievement ba para sa iyo ang pagpapabreastfeed?
Malaking achievement ba para sa iyo ang pagpapabreastfeed?
Voice your Opinion
Oo.
Hindi naman

4879 responses

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi ko masabing achievement kasi mixed sya until nagwean na sakin ( more than 2 yrs old na sya noon)dahil nagmiscarriage ako sa 2nd. I exclusively breastfed him mula pagkapanganak nya, all time latching (despite postCS ako), unfortunately, wala sya nakukuha as evidenced by concentrated drops ng wiwi(not really pee) sa cloth diaper, so after more than a week, nadehydrate sya, lost more than half his weightt, causing him to be hospitalized, almost nearly NICU which was a trauma for me. Pero I didnt give up, mas gusto nya kasi maglatch, pag wala na sya makuha pumapayag sya sa bote then latch ulit sakin after magbote. I had taken a lot of supplements including power pumping pero I don't know, hindi na lumagpas ng 1 oz ang milk production lo thereafter kahit nagtuloytuloy ako magbreastfeed until need ko stop to keep my 2nd pregnancy na nauwi sa miscarriage.

Magbasa pa

yes sobra! i remember nung newborn pa si baby, super hirap ako magpadede. tinitiis namin lahat ipress ung breast ko pati nurses sa hospital😂 nung kami nalang ni baby ramdam ko ung pagdede nya as in ang sakit pero syempre super nanay tayo, tiniis lang natin hanggang nung nalearn ko na mejo mali pala ung position nya sa pagdede nung inayos ko, mejo naging ok na ung pain ng pagdede nya♥️ share ko lang😁

Magbasa pa
VIP Member

Sobra. Kasi sabi ko sa sarili ko nung buntis pa lang ako gusto ko inormal kaso kinalabasan ecs. Tapos kako kahit yung mapa breastfeed ko na lang si baby kahit inverted nipples ko e ayon nagawa ko kahit nahirapan kami pareho. Thankful ako at hndi namin ni baby sinukuan ang isat isa

VIP Member

Yes for me malaking achievement na nabreastfeed ko kids ko for more than 2 yrs. May case pa nun ipinanganak ko bunso diretso NICU bumili pa kmi breastmik sa PCMC ang daming papers na dapat isubmit para makabili. Thenlagay sa tube diresso padede mabuhay lang sya.

3 weeks lng baby ko na pure breastfeeding.. ang konti kasi ng gatas ko umiiyak tsaka nagwawala sya kaya napilitan akong mag formula.. my ngsabi sakin na life oil malunggay iniinom nila kya ita try ko un.. bukod sa healthy na si baby makakatipid pa ko..😊

gustong gusto qu ng pure breastfeed sana kasu kahit anung gawin qu kokonti lng gatas qu kawawa anak qu kaya mix nlng😢nakakainggit ung mga nanay na maraming nadedede ang baby nila😥

sobrang laking achievement . sobrang pangungutya inabot ko sa byenan ko dahil sa pagbbreastfeed kom hanggang ngayon sinasabi nila nakakaawa anak ko dahil sakin dumedede baby ko

VIP Member

Napakalaking achievement talaga dahil nde lahat nabiyayaang magkaroon ng milk supply. Napakahirap pero fulfilling. Talagang kailangan mo ng dedikasyon.

VIP Member

Super! Salamat din sa mga celebrity Mom's kasi na encourage talaga ako na wag sumuko magpa bf kahit hanggang sa pag balik ko sa trabaho.

Yes! 4 years I breastfed my 1st child.... Planning to do it as well for my 2nd. I'm looking forward to do the journey again. 😍