16 Replies
Kausapin mo mamsh ang nanay mo. Sabihin mo okay lang magbigay kung meron at kailangan. Pero wala na kayong budget. Kayo pa nauubusan. Kaya naman nila. Kung ikaw ang nagbibigay ng budget sa pera sa pagkain nyo,tipidin mo. Yung sakto sa inyo para di na mabigay sa mga kapatid mo. Mahirap talaga pag wala ka sa sarili nyo tahanan at nakatira kayo sa magulang. Kaya better parin talaga ang bumukod.
Okay lang, pero kung ikaw gumagastos sa budget lahat lahat pwede m kausapin mama mo na hindi sasama ang loob baka magtampo lalo na at sakanila kayo nakatira na dapat obligasyon ng asawa mo na bigyanka ng sarili mong bahay lahat pwedeng pag usapan sa maayos kasi baka ano isipin ng mama mo, pero better padin ang pag bukod wala kang iniisip kahit sino kundi pamilya molang.
Kapal ng mukha ng mga kapatid mo sis. Saken yan ito sasabihin ko "Magtira naman kayo para samin kasi short na kmi sa budget hnd pa kmi nakakaen ng asawa ko." Saka sabihan mo mama mo na kung kukuha sila ng food sa bahay nyo dpt palitan din nila. Buti nalang parents ko hnd ganyan.
Bumukod n kyo mhirap yang gnyan, ikaw lng mastress nyan.. kaya kmi d tlga kmi tumira sa bahay namen nagipon asawa coh n mkbukod na.. masaya buhay nmen wla kmi pinapangilagan.. payapa pti pgssma namen..
Kung ikaw ang gumagastos sa lahat pwede mong kausapin mama mo. Pero mas maganda kung bumukod na lang kayo kasi siyempre bahay pa rin yan ng parents mo kaya kayo pa din dapat ang mag adjust
bumukod na po kayo, may right na naman po kayo bumukod, dahil mahirap talaga mag budget lalo nat ganya ugali ng magulang mo, parang di talaga kayo tinatrato mabuti
Siguro po magandang kausapin mo na lang yung mama mo ng mabuti about jan. Hindi naman masamang magbigay ng pagkain sa mga kapatid mo, pero sana wag naman araw araw.
Mas magandang kausapin mo ang nanay mo kasi kayo naman gumagastos e at my sarili naman silang buhay na sila dapat gumastos nakakahiya kaya yun
Ahhmm . Wala naman Tayo magagawa . Gawin mo mag sumikap ka sa buhay. Para Kung ano gusto mo bilhin. Mabibili mo
lahat napag uusapan sa nang maayos. pamilya naman kayo, mas kilala nio ang bawat isa. 😊
Anonymous