NEEDS ADVICE AND INSIGHTS ๐Ÿ˜”

Hello..9 weeks na ako turning 10 weeks na sa tuesday.. Ever since na preggy ako my BROWN DISCHARGE ako and na diagnose na may sub.hemmorage sa loob. Start palang ng 3 weeks naka duphaston na ako at consistent bed rest. Lumiliit naman si hemorrage pero andon pa din sya ๐Ÿ˜” wala na din akong brown discharge or spotting at wala namang sumasakit sa akin. OKAY na OKAY naman si baby sa loob,malusog na malusog naman sya. Complete vitamins pa din ako at meds. walang palya kahit sa check ups ๐Ÿ™‚ Gusto ko lang magtanong sa mga kagaya ko na nakapanganak na? Possible bang hindi ito mawala pero okay si baby? Okay naman ang bloodtest ko although PCOS tlga ako both ovaries. Sana may makapansin at makasagot, naguguluhan na din kase ako e. #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp #pregnancy

NEEDS ADVICE AND INSIGHTS ๐Ÿ˜”
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh .. ako din po unang tvs ko nakita na may subchorionic hemorrhage ako 8 weeks po ako nun .. hindi po ako dinugo ever since naman na nabuntis ako .. pcos left ovary din po ako .. pag tungtong ng 2nd trimester nawala naman po si Subchorionic hemorrhage .. now 30 weeks na po ako awa ni papa God .. at dahil may pcos po ako may diabetes po ako . so now I'm taking insulin .. andaming complications pero dasal lang po , tiwala kay papa God .at palagi ko lang po kinakausap si baby at nilalakasan ang loob .. first baby ko po ito after 7 years of ttc .. madalas natatakot , kinakabahan at di makampante pero kailangan maging matapang at malakas para kay baby .. konting tiis nalang makikita ko na ang pinakamagandang kayamanan na magkakaron ako sa buhay ko .. tiwala at dasal lang mamsh .. mawawala din po yan ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
2y ago

btw nag take din pala ako ng duvadillan at duphaston 3 times a day for 2 weeks .