8 weeks
8 weeks na akong preggy hindi ako maselan kahit sa pagkain, hindi ako nagsusuka, hindi ako nahihilo as in parang normal lang. Tamad nga lang ako kumilos. Ok lang po ba yun?
Okay lang po yun, di naman kasi pare parehas yung mga mommy sa pag bubuntis. Yung iba walang nararamdaman na paglilihi pero yung iba sobrang selan. Meron din naman maliit ang tummy mag buntis meron din naman malaki. Yung iba delikado mag buntis kaya may pamapakapit na binibigay meron naman normal lang. Iba iba tayong lahat sa pag bubuntis as long as healthy yung mga kinakain at finafollow natin yung mga sinasabi ng OB natin satin. Di naman kasi magsasabi ang mga OB kung makakasama sa mommy at sa baby.
Magbasa paAng swerte nung mga naglilihi na wala symtoms samantala ako wala ako gana kumaen mapait panlasa ko lage hilo. Ni khit sa tubig mapait tuwing umaga naduduwal khit wala naman. At mas mahirap di ko alam ano gusto ko kainin. Mabilis mapagod. Pero khit ganon ndi naman ako tamad. Ayoko lang magluto dahil ayoko din ng amoy ng sinaing at mga amoy na luto pagkain.
Magbasa paako rin im 8 weeks now pero wala akong cravings sa pagkain at di rin ako maselan. minsan feeling ko masusuka ako a few minutes after ko uminom ng folic acid pero after siguro maabsorb ng katawan ko yung vitamins, di na ko nasusuka. Same tayo na tamad lang din talaga ko kumilos, feeling pagod ganun. 😄
Magbasa paNung 8 weeks ako hindi ako makkaen ng ayos. And malamig lang na tubig yung naiinom ko ng ayos. Always hilo at tamad. Ngayon nasa 2nd trimester na ako mejo sinisipag na pero madali mapagod at .5 lang ang nadagdag sa timbang ko. Btw, nabawasan ako ng 3 kilos. Haha 😂
Sana all. Naaalala ko nung nagduduty ako sa hospital (nurse po ako), pinag titinginan ao nung mga pasyente ko kasi nagsusuka ako sa station namin hahahaha mukhang mas ako daw yung may sakit 😂
Ganyan din po ako hanggang ngayon 21weeks preggy na. Nagdalawang isip nga ako kung buntis ba talaga ako😅 hanggang sa nagkababybump na ako. Ang active nga nya sa tyan ko eh😇😇 FTM ako
Ganyan din ako sis.. Walang sintomas ng pagbubuntis, nde din maselan parang normal lang talaga.. Minsan tamad din ako kaya mga gawain ko sa bahay natatambak 😂😂
Ako po never naging maselan sa pang 3rd pregnancy ko 33weeks and 2days na ako now never ako nagsuka, nahilo. Pero nung 1st and 2nd pregnancy ko hirap ako.
Same tayo 8 weeks preggy, hindi maselan sa pagkain, hindi din nagsusuka, hindi nahihilo, yun nga lang sobrang tamad na tamad akong kumilos, 😁
You are blessed hindi mon naexperience yung hilo, pagsusuka grabe mommy hirap. Iba iba bawat babae so normal lang yan🙂