manas ang paa at binti
8 months na po ako and grabe magmanas yung paa at binti ko... naranasan nyo po ba ito and ano po ginawa nyo? sabi lang ng OB ko bawas sa maaalat. pero wala syang binigay na ibang remedy bukod don. medyo nakakabother po kasi π salamat
2 Replies
Latest
Recommended
Magsulat ng reply
Hi mommy, i elevate mo lang po palagi. Dapat po kapag naka upo at higa may patungan ang paa mo na mas mataas ng konti. Tapos iwasan pong nakatayo o yung isang position ng matagal. Tapos pa imasahe nyo po. Effective po sa akin yan lalo yung pagtataas po ng paa.π
Put your feet on a pillow po pag magsleep even naka upo po dapat slightly mataas yung legs. Also nakahelp po sakin isoak ang feet sa cold water. saka drink more water po.
Related Questions
Related Articles