parang walang gatas

8 months na ako pero parang wala pang bakas ng gatas ung dede ko. parang wala ring butas. normal po ba yun? pano pag lumabas na c baby at wala paring masipsip. ano dapat gawin.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag mo pipilitin pisilin yung dede mo hanggat di ka pa nanganganak kailangan si baby ang unang makakuha ng colostrum yung dilaw na gatas mo yun ang pinaka importante sa lahat. Saka ok lang na akala mo wala kang gatas ganyan din ako nung una hanggang sa manganak tapos pag labas ni baby pinilit kong padedehin si baby kahit di gaano lumalabas gatas ko normal lang na sa una feeling mo wala kasi di pa naman niya kailangan ng maraming gatas. Paglabas na paglabas ni baby unli latch lang tapos inom lagi ng maraming tubig saka masaaabaw na may malunggay. Sakin after 3days ng panganganak sumirit ng pag karami rami yung gatas ko

Magbasa pa