Random Talk

7 weeks and 3 days preggy. Maselan pang-amoy, food aversions, nahihilo, heartburn. Gutom na gutom na ako today pero alas dose na di pa nagpiprepare si hubby ng food. Wala kaming stock. Ayaw nya rin pumunta ng palengke because of virus. Gusto nya ako pumunta. Tapos nung nagprito sya ng manok, sobrang nainis ako sa amoy. Sinabihan akong maarte. Nagbuntis lang daw ako naging tamad na ako dahil hindi ako lumalabas ng kwarto. Hanggang sa nag away kami. Bakit ganito? Di ko rin maintindihan nararamdaman ko. Pero bakit ganito?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi naiintindihan ng asawa mo pinagdadaanan ng isang buntis. Mag research din siya at ng may alam siya. Tsk. Kung maaalagaan ka ng family mo mas mabuti dun ka muna sa kanila sis. Ultimo pag labas para bumili pagkain ikaw pa ipapalabas niya. Kaloka siya. Di pa yata nag sisink-in sa kanya na magiging isang ama na siya.

Magbasa pa

Normal lang yan momshie.. Ganyan din ako. Asawa mo ang di marunong makaintindi. Ngayun asawa ko lahat gumagawa. Nahihiya n nga ako minsan pero buti naiintindihan niya ako. Kausapin mo siya. Sabhin mo magbasa nang mga articles tungkol sa pagbubuntis baka sakaling maintindihan ka niya

Uwi kna lang kaysa mastress ka jan. Ganyan din ako bedrest pa nga eh. I know na my part sa lalali na hindi nya maintindihan ang situation natin pero tong husband ko nung kinausap nya nanay nya napagalitan sya kaya un sya lahat simula asikaso sakin at sa 8 year old panganay namin

Super Mum

Effect po kasi yan ng pregnancy hormones kaya ganyan. It doesn't necessarily mean na maarte ka kaya ganyan. Next check up mo momsh, isama mo si hubby mo para maenlightened din sya at magka idea sa mga pinagdadaanan ng buntis.

5y ago

Kaso nag aaway na kami and heto iyak na ako nang iyak. Pinapaalis na ako ng house. Umuwi na raw ako sa amin.

E gago pala sya kamo. Binuntis ka nya tapos ganyan sya? Hala sige layasan mo. Hindi mo kailangan ng ganyang klase ng tao sa buhay mo. Imbis na sya tong unang makakaunawa sayo sya pa ung ganyan

VIP Member

Ganyan po talaga pag buntis nagiging maselan sana naman maintindihan ka ni hubby mo or better na may kasama kang mother sa bahay kung di kaya ni hubby mo na intindihin ka. Ingat po kayo😊

Mumsh, kasal kayo dba? Bakit ka niya pauuwiin sainyo? And sana isipin niya din na buntis ka at high risk di ka pwede lumalabas lalo na sa lugar na madameng tao.