masama po ba talaga matulog ng nakatihaya ang buntis? s
7 months pregnant na ako, pero mas komportable po akong matulog ng nakatihaya. sa ibang article dapat daw matulog sa left side..may nabasa din akong dapat daw nakatihaya para iwas na malaglag ang baby?
Mas safe sa left, kasi kungtihaya ka pag malaki na si baby may naiipit ka kasing malaking ugat na nag susupply ng oxygen sa body mo tsaka pati narin sa supply ni baby. Kung sa right din kasi maiipit liver mo. Hahay, pero ako din nakatihaya kasi d ako makatulog .hehe. saka kanalng mag left pag nahihirapan kang huminga
Magbasa paPwede naman basta mataas yung unan mo. Pero advisable talaga ang left side. Kc minsan di mo maiiwasan tumiyaya sa pag tulog. Masakit din kc sa tagiliran ang naging nakatagilig parang naiipit yung mga ligaments mo sa loob dahil sa weight ni baby.
Nakakangalay dn po kasi laging nasa lefr side.. left side dn ako lagi matulog, nagigising ako nakatihaya na.. minsan naman comfortable ako matulog ng nakatihaya na halos nakaupo na matulog at maraming unan sa likod, mataas.. para maging comfortable
May nabasa ako na kapag nasa 3rd trimester na ay hindi na advisable ang matulog na nakatihaya, mataas daw ang chance ng stillbirth kapag ganun ang pwesto kaya left or right side lying lang momshie.
Pag po kasi nakatihaya pwede daw madamage ung spine natin o kaya maipitan tayo ng ugat. Yung bigat kasi ni baby pumupunta sa bandang spine kapag ka nakatihaya tayo. Kaya not advisable po.
May nabasa po ako na as long as comfortable ka sa position mo go lang, kasi bago pa mafeel ni baby na uncomfy yung position mo ikaw muna unang makakaramdam nun.
Advisable po sa left pero minsan nakakangalay pati tenga ko naiipit hehe. Salitan po siguro pero pag nagising na nakatihaya o nasa right, lipat nlng sa left ulit
nanakit na boobs ko kakatagilid 😅 minsan naglalagay nalang ako ng unan sa ilalim ng tagiliran para kahit papano parng nakatagilid na din .. 😊
Mahirap po kasi huminga pag nakatihaya eh..lalo pag malaki n tyan..ako po noon left side..pag nangawit right nmn..palit-palit lang po☺️
29 weeks pregnant. Madalas nakatihaya at nakataas dalawang binti. Nkakangawit ksi pag puro left side ang pwesto