Hirap Matulog

7 months preggy here. Simula nagbuntis ako tinubuan akonng mga pimples at kahit anong gawin at ilagay ko sa mukha ko, imbes na gumagaling parang lalong lumalala. Ok na, tinanggap ko naman na. Kaso ung MIL ko, sinasabihan ako na di daw kasi ako natutulog ng maaga kaya ako nagkakaganito. At wag daw sana ako natutulog sa araw kasi. Ilan beses ko na inexplain na sa gabi malikot ang bata. Sa gabi parang naninigas ang tyan ko dahil sa galaw ng bata, di ako makatulog, hirap sa paghinga at ihi pa ko ng ihi. Hays. di nila ko maintindihan. Nakakastress naman.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po ako nagkakapimples din malaki pa naman..sa pagtulog lang sa gabi ako nagkakaproblema sobrang hirap matulog kahit anong gawen ko hirap talaga matulog sa arae naman nakakatulog ako kaso idlip lang kc iingay ng mga anak ko pag nagising na ako hindi na ako uli makatulog..